^

PSN Opinyon

Maraming Pinoy di-alam ang dual citizenship

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MARAMI pa ring Pilipino na naninirahan na sa United States ang nalalabuan kung ano ang dual citizenship. Ang iba nga ay nalaman lamang na puwede pala silang bomoto sa May 14 eleksyon kung sila ay mag-aaplay ng dual citizenship. Ito ay ipinaliwanag sa mga Fil-Americans ng mga kumakandidato sa Pilipinas na nangangampanya sa US sa pamamagitan ng sulat at personal na pakikipag-usap sa kanila.

Ang Dual Citizenship Law ay naging batas noong 2003 upang makamtang muli ng mga Pilipino na permanente nang naninirahan at nagtatrabaho sa labas ng Pilipinas ang pagiging isang Pilipino kasama na ang pagboto sa mga eleksyon. Pero noong 2004 election marami pa rin ang hindi nakaboto dahil marami pa rin ang wala pang dual citizenship. Yun namang may dual citizenship, hindi naman alam kung papaano sila boboto at sinu-sino ang kanilang iboboto.

Ibig sabihin, kulang na kulang ang educational campaign ng Comelec at Bureau of Immigration na namamahala sa dual citizenship. Mukhang walang koordinasyon ang mga ahensiyang ito para bigyan ng kaalaman ang mga Pilipino sa bansang kinaroroonan.

Sa aking palagay, mahirap pang sabihin na nakam-tan na ang goals and objectives ng Dual Citizenship Law. Sa US ay milyun-milyung Pilipino ang permanente nang naninirahan dito, ilang libo pa lamang ang naka-register na may dual citizenship.

Naniniwala ako na makabubuti ang dual citizenship sa mga Pinoy na nasa labas ng bansa kung malalaman lamang nila ang tunay na layunin at benepisyo ng batas na ito.

ANG DUAL CITIZENSHIP LAW

BUREAU OF IMMIGRATION

CITIZENSHIP

COMELEC

DUAL

DUAL CITIZENSHIP LAW

PILIPINAS

PILIPINO

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with