‘Binaril sa likod ng tenga’
April 23, 2007 | 12:00am
Merong panahon na sinusunod ang mga prosecutors kung kelan pwedeng ipakulong ang akusado sa isang mabigat na krimen. Kapag ang krimen ang kagaganap pa lamang, may hanggang 72 hrs para ma Inquest ito at ma orderan ang pulis na i-detain ang akusado sa kasong Murder.
Sa kaso nating tatalakayin ngayong araw na ito, kinabukasan pinawalan ng Fiscal ang akusado FOR FURTHER INVESTIGATION dahil lampas na raw sa oras. Wala pang 24 oras ang nakalilipas na krimen.
Nagsadya sa aming tanggapan si Ruby Ana Amion ng Laguna upang humingi ng tulong hinggil sa kasong pagpaslang sa kanyang asawa.
Ang biktimang si PO3 Rizaldy Amion ay naka-assign sa San Pedro Police Station at labing-anim na taon itong nanungkulan.
Ika-5 ng Marso 2005 ng gabi nang magpasama ang pinsan ng biktima, si TSG Celso Amion sa Vergara St., Brgy. Cuyab, San Pedro, Laguna. May nakapagbigay ng impormasyon kay Celso patungkol sa isang Muslim na di-umano’y nagbabagsak ng ipinagbabawal na gamot sa nabanggit na lugar. Nagkataon din naman na nakaburol doon ang Ninong Odeng ni Rizaldy na kung saan ay sumaglit ito ng punta.
Bandang alas-11 ng gabi nang magpasyang umuwi ang magpinsan. Inakala ni Celso na hindi na dadating ang sinasabi nitong muslim kaya naman niyaya na nito ang pinsang si Rizaldy na umuwi na lang. Mula sa lamayan naunang pinuntahan ni Rizaldy ang pinagparadahan ng kanyang sasakyan. Pagkalipas naman ng ilang minuto ay sumunod na rin si Celso sa kanyang pinsan.
Samantala nagkataon din naman na may kasiyahan din sa lugar na ‘yun kung saan nag-iinuman ang mga suspek. Birthday ng isang nagngangalang Cesar Mozo alyas Tisoy. Naabutan ni Celso na nagtatalo sa pagparada ng sasakyan si Rizaldy at isang lalaki na nakilalang si Antonio Sanchez Jr. Narinig din ni Celso na nagbanta ang suspek na ito na ‘Babalik ako!’ Umiihi naman noon si Celso sa may bandang unahan ng kotse ni Rizaldy.
"Mali daw kasi ang ginawang pagpa-parking ng sasakyan nitong si Antonio kaya naman sinabihan siya ng asawa ko. Nauwi sa pagtatalo ang kanilang pag-uusap. Sinabi ng asawa ko sa kanya na ‘Pulis ako!’ Pagkatapos na nga noon ay umalis na itong si Antonio," kuwento ni Ruby Ana.
Hindi nakaalis ang biktima dahil naharangan nga ang kanyang sasakyan. Pagkaraan ng ilang minuto nakita ni Celso na bumalik itong si Antonio na kasama na ang dalawa pang suspek sina PO2 Mariano Espiritu alyas Sprite na naka-assign sa CIDG Camp Crame, Quezon City at Carlo Aurelio. Ang mga suspek ay pawang mga armado ng baril.
Hawak-hawak nina Antonio at Carlo ang mga kamay ng biktimang si Rizaldy kung saan ay nagpupumiglas ito. Narinig ni Celso na sinabihan nitong si Mariano ang kanyang pinsan ng ‘Pulis ha!’ at pagkatapos noon ay binaril na ito sa ulo.
Napasigaw si Celso matapos barilin ni Mariano ang biktima. Tatangkain sana nitong lapitan si Rizaldy subalit sinugod naman siya ni Antonio na noon ay may hawak ding baril. Nagpakilala naman si Celso na isa siyang military subalit itinutok ni Antonio ang baril sa kanya kaya napilitan siyang barilin ito upang proteksyunan ang sarili. Patagu-tagong nagpaputok ng kanyang baril si Celso at nakita niyang pasugod na rin sa kanya sina Mariano at Celso.
Hindi nagtagal ay narinig na niyang humihingi tulong si Antonio sa kanyang mga kasama dahil sa tinamo nitong bala. Agad namang dinala ito sa ospital. Saka pa lamang nakalabas si Celso nang makita niyang wala na ang mga suspek. Nilapitan niya si Rizaldy na noon ay nakahandusay sa kalsada at wala ng buhay.
May mga pulis na rumesponde sa pinangyarihan ng krimen matapos makatanggap ng report na may kaguluhang naganap sa nasabing lugar. Kusang loob namang sumuko ang mga suspek na sina PO2 Mariano Espiritu at Carlos Aurelio sa mga pulis. Kasong Murder ang isinampa laban sa mga suspek habang si Antonio naman ay nagsampa ng kasong Frustrated Murder laban kay Celso matapos niya itong mabaril. Pansamantala namang nakalaya ang mga suspek sa kulungan matapos na ma-inquest ang mga ito. Sinabi ni Fiscal Josef Albert Comilang na kinakailangan ma-release ang mga suspek for further investigation batay na rin sa Rule 113, Section 5 ng Revise Rules of Criminal Procedures.
Anong klaseng Fiscal ka naman? Bakit hindi mo dinetain ang akusado? Aminado naman ito na siya ang bumaril kaya nga sumuko nung susunod na araw? Lampas na raw ang "Inquestible period." Lampas ba Fiscal o nasuhulan ka. Iimbestigahan ni Sec. Gonzalez ang nangyari sa Inquest Proceedings at ipatatawag si Provincial Prosecutor George Dee para panagutin ang Fiscal kung merong anomalyang nangyari.
Nagkaroon ng preliminary investigation sa tanggapan ng Prosecutor’s Office ng San Pedro, Laguna kung saan ay nakita nilang may probable cause para sampahan ng kasong Murder ang mga suspek sa pagpatay sa biktima.
Nagfile ng Petition for Review ang kanilang mga kalaban. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sila sa paglabas ng resolution upang maumpisahan na ang pagdinig sa korte.
Napag-usapan naman namin ni Sec. Raul Gonzalez ang tungkol sa kasong ito at nangako siyang tutulong siya para mabilis na mailabas ang resolution na hindi pa nailalabas dahil na rin, ayon sa mga biktima hindi na pa-follow-up ng kanilang abogado.
Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended