Kung ihahambing ang mga shabu na kanilang nakumpiska nung unang tatlong buwan ng taong 2006, umabot lamang ito ng limang milyong piso, hamak na mas maliit kumpara sa ngayong taon.
Patunay lamang ito na walang pinipili ang ating mga alagad ng batas pagdating sa suliraning droga.
Nitong nakaraang Sabado, naipalabas sa BITAG sa IBC 13 ang mapanganib na operasyong isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa isang drug den sa Taguig City.
Mapalad ang grupo ng BITAG at MISSION X, dahil bukod tanging kami ang inanyayahan ng PDEA sa kanilang tanggapan para ikasa ang drug raid sa Taguig.
Sa tulong ng asset ng PDEA, nadiskubre ang lantaran na bilihan ng droga gayun din ang mga babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw .
Sa nasabing operasyon tatlong katao na kapwa mag kakamag-anak ang naaresto dahil sa pagtutulak ng ipinagbabawal na droga tulad ng shabu at marijuana.
Sa loob ng dalawang oras na paghahalughog ng mga operatiba ng PDEA ang bahay ng mag-asawa positibong nakuha sa mag-asawang sina Robert at Belinda Pagulayan ang mga marijuana na kanilang ni rere pack, mga drug paraphernalia, isang baril at bala. Hindi rin ligtas ang anak ng mag-asawang Pagulayan na si Jeffrey.
Isang malaking karangalan para sa BITAG ang makasama sa ganitong klaseng operasyon ng PDEA.
Alam ng BITAG na hindi biro ang mga ganitong klaseng operasyon, kaakibat nito ay panganib na maaring humantong sa putukan sa pagitan ng PDEA sa mga gustong manlaban. Mabuti na lamang at walang nasaktan sa isinagawang drug raid na ito sa Ususan, Taguig City.