Nagbago kaya ang SWS?
April 23, 2007 | 12:00am
DATI-rati ipinagtatanggol ko ang polls ng Social Weather Station. Tiwala kasi ako sa integridad ni founder Mahar Mangahas, na miski pinsan-buo ni Fernando Poe Jr. ay hindi binali ang survey results nu’ng 2004 elections. Mataas din ang pagtingin ko sa mga taga-Pulse Asia na dating kasamahan ni Mangahas sa SWS.
Pero tila nagbago na sila. Ito’y ayon kay negosyante’t pulitikong Ray Orosa, na binatikos ang "kargadong" huling survey ng SWS, pinamagatang "Project Rostov", nu’ng Mar. 18-23. Genuine Opposition ang nagpa-survey. Ayon kay Orosa, may tatlong paraan para maluto ang resulta sangayon sa nais ng pollster o kliyente: Naka kanal, panglito at ma-opinyong tanong. Lahat daw ito’y ginamit ng SWS sa Project Rostov para pumabor ang resulta sa GO.
Ilan ito sa mga kargadong tanong, na pinasagot ng "oo" o "hindi":
• Malimit magbulaan si Presidente Arroyo sa sinasabi sa publiko.
• Nagnanakaw si First Gentleman mula sa kaban ng bayan.
• Mandadaya si Presidente Arroyo sa 2007 elections para maipanalo ang mga kandidato niya.
• Nagnanakaw si Presidente Arroyo mula sa kaban ng bayan.
• Anomang pag-unlad ng ekonomiya ang iwasiwas ng kasalukuyang administrasyon, hindi ko ito nararamdaman.
Walang tanong na kontra-karga sa mga ito, ayon kay Orosa, tulad ng "hindi nagbubulaan si Arroyo" o "hindi nagnanakaw si FG." Pinalabas na statements of fact ang mga malisyosong tanong. Walang magagawa ang respondent kundi sumang-ayon. Ani Orosa, parang itinanong sa isang mister kung "binubugbog mo pa ba ang misis mo?" "Oo" man o "hindi" ang isagot, naipakita mo nang masama si mister.
Samantala, ibinunyag ni John Osmeña ng GO na hindi siya nagbigay sa Pulse Asia ng singil na P300,000 kada sena-torial candidate. Umatras tuloy siya sa No. 16 mula No. 12.
Hindi pa nagpapaliwanag ang SWS at Pulse Asia.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended