^

PSN Opinyon

Ang appendicitis

- Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ANG appendicitis ay ang pamamaga ng vermiform appendix. Ang appendix ay isang blind-ended tube na may 9 hanggang 10 centimeters ang haba. Bahagi ito ng large intestine. Ang appendicitis ang pinaka-karaniwang abdominal emergency sa mundo.

Maaaring magka-appendicitis ang lalaki at babae at kahit anong gulang maliban sa mga bata na wala pang dalawang taong gulang. Pinaka-karaniwan na nagkakaroon ng appendicitis ay ang mga kabataang lalaki at babae na may edad 25.

Ang sintomas ng appendicitis ay ang pananakit ng tiyan na nagsisimula sa may bahaging pusod at gumagapang sa kanang bahagi o right iliac fossa. Matindi ang mararanasang sakit at lalong matindi kapag inuubo o kung humihinga nang malalim. Makararanas ng pagsusuka, pagtatae, lagnat at pagkawala ng lasa. Maaaring manigas o mamaga ang tiyan.

Nararapat kumunsulta agad sa doctor ang sinumang may sintomas ng appendicitis. Hindi dapat ipagwalambahala ang ganitong kalagayan.

Isasagawa ng doctor ang pag-opera o ang tinatawag na appendicectomy sa pasyente.

Kapag hindi agad naisagawa ang pag-opera at napabayaan ang appendicitis, puputok ito at magkakaroon ito ng nana o magiging gangrena. Kakalat ang mga pumutok na laman ng appendicitis at maiimpek- siyon ang peritoneal cavity at maaaring ikamatay ng pasyente. Ang pagputok ng appendix ay kadalasang nangyayari sa mga may edad nang pasyente.

APPENDICITIS

BAHAGI

ISASAGAWA

KAKALAT

KAPAG

MAAARING

MAKARARANAS

MATINDI

NARARAPAT

PINAKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with