Kung minsan, malungkot ako sa mga pagkukulang at pagkakamali ng gobyerno, ngunit sa usapang ito, dapat ay sumaya ang mga Pinoy dahil sa wakas natupad na rin ang pangako na mabigyan ng karapatang bumoto ang mga kababayang nasa abroad. Hindi lang po mga OFW ang nakinabang sa programa na ito, pati na rin ang mga kababayan natin na immigrant na rin sa ibang bansa.
Dahil sa pangyayaring ito, naging aware na ang mga Senate candidates sa kahalagahan ng mga overseas Filipinos, at sana nga maging dahilan ito na magpasa ng mga batas kung sino man ang mananalo sa kanila, upang matugunan na rin ang mga hinaing ng mga kababayan sa abroad.
Kung minsan, mga problema lang ang ating nakikita, ngunit sa totoo lang, marami rin namang mga oppor tunities ang dapat makita ng mga senador na may kinalaman sa involvement ng mga overseas Filipinos sa kaunlaran ng ating bansa. Dahil napansin na ng mga senate candidates ang bigat ng boto ng mga nasa abroad, sana ay sundan ng mga winners ang pagpansin sa kanila, at kaagad-agad sa pagbukas ng bagong Senado, magsagawa na sila ng mga consultation upang malalaman na nila kung ano ang dapat gawin. Sa usapang hanapbuhay, matagal na ring naghihintay ang mga OFW ng matibay na re-entry program, at dapat ay unahin na rin ito.
Dahil sa balitang marami na ring mga nagkakahiwalay sa mga mag-asawa kung saan ang isa sa kanila ay OFW, dapat na ring magbigay ang gobyerno ng social services katulad ng counseling.