^

PSN Opinyon

Matagumpay na overseas voting

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
MAY panahon na tumutuligsa ako at may panahon naman na pumupuri kung sino man ang may magandang ginawa. Noong nakalipas na linggo, matagumpay na idinaos sa mga embassy at consulate ang overseas voting para sa mga Senate candidates, at dapat purihin ang Commission on Elections (COMELEC) at Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang mahusay na pagpatupad nito.

Kung minsan, malungkot ako sa mga pagkukulang at pagkakamali ng gobyerno, ngunit sa usapang ito, dapat ay sumaya ang mga Pinoy dahil sa wakas natupad na rin ang pangako na mabigyan ng karapatang bumoto ang mga kababayang nasa abroad. Hindi lang po mga OFW ang nakinabang sa programa na ito, pati na rin ang mga kababayan natin na immigrant na rin sa ibang bansa.

Dahil sa pangyayaring ito, naging aware na ang mga Senate candidates sa kahalagahan ng mga overseas Filipinos, at sana nga maging dahilan ito na magpasa ng mga batas kung sino man ang mananalo sa kanila, upang matugunan na rin ang mga hinaing ng mga kababayan sa abroad.

 Kung minsan, mga problema lang ang ating nakikita, ngunit sa totoo lang, marami rin namang mga oppor tunities ang dapat makita ng mga senador na may kinalaman sa involvement ng mga overseas Filipinos sa kaunlaran ng ating bansa. Dahil napansin na ng mga senate candidates ang bigat ng boto ng mga nasa abroad, sana ay sundan ng mga winners ang pagpansin sa kanila, at kaagad-agad sa pagbukas ng bagong Senado, magsagawa na sila ng mga consultation upang malalaman na nila kung ano ang dapat gawin. Sa usapang hanapbuhay, matagal na ring naghihintay ang mga OFW ng matibay na re-entry program, at dapat ay unahin na rin ito.

Dahil sa balitang marami na ring mga nagkakahiwalay sa mga mag-asawa kung saan ang isa sa kanila ay OFW, dapat na ring magbigay ang gobyerno ng social services katulad ng counseling.
* * *
Makinig sa "USAPANG OFW" sa DZRH tuwing Linggo 10 to 11 a.m. Mag-e-mail sa [email protected], mag-text sa 09187903513, dumalaw sa www.royseneres.com at tumawag sa 5267522 at 5267515.

DAHIL

DAPAT

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KUNG

LINGGO

MAKINIG

NOONG

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with