Taumbayan na lang ang tulungan ni FG
April 21, 2007 | 12:00am
NAKAHINGA na nang maluwag si President Gloria Macapagal Arroyo at kanyang pamilya nalampasan na ng First Gentleman ang pinaka-mapanganib na sandali sa kanyang buhay matapos ang risk open- heart surgery.
Sabi ng mga doctor kaunti lamang ang nakakalig-tas sa sakit na dumapo kay FG kaya nang operahan ito ay walang nakakasiguro kung maililigtas pa. Hindi maitago ang pag-aala-ala sa mukha at kilos ni President. Hindi na nakakapag-make-up si GMA na dati-rati ay parating maayos at preskong-preskong tingnan.
Ang karanasang dinanas ni FG ay dapat nang magbigay ng aral sa kanya para pangalagaang mabuti ang kalusugan. Hindi ako doktor subalit base sa mga nakikita ko mga larawan ng First Gentleman, hindi maitatago na mataba siya at hindi tama ang mga kinakain at marahil ay kulang din sa pag-eehersisyo.
Nakasama nang malaki kay FG ang mga pres- sures at sama ng loob na dulot ng mga iba’t ibang paratang ng mga kalaban nila sa pulitika. Hindi gawang biro ang harapin at tanggapin sa araw-araw ang mga masasakit na paninirang-puri lalo na’t ang mga ito ay walang basehan at walang katotohanan. Hindi bale kung matibay ang iyong dibdib subalit marahil ay hindi kaya ng dibdib ni First Gentleman ang mga ibinabato sa kanya kaya ayun bumigay.
Mabuti pang mag-relax na muna si FG at lumayo na sa pulitikahan. Kung gusto naman niya ay ibigay na lamang muna ang kanyang oras sa mga proyektong-pangkalusugan upang makatulong na maging malusog ang sambayanang-Pilipino mula bata hanggang matatanda. Umpisahan muna niya halimbawa ang pagtatayo ng organisasyon para makaiwas ang taumbayan sa sakit sa puso. OK ba?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended