EDITORYAL Durugin ang Abu Sayyaf!
April 21, 2007 | 12:00am
MARAMI nang lider ng teroristang Abu Sayyaf ang napatay pero hanggang ngayon patuloy pa ring nakatayo ang mamamatay-taong grupo at naghahasik ng lagim sa Sulu at iba pang bahagi ng Mindanao. Sa kabila na 400 hanggang 500 na lamang ang miyembro ng Sayyaf, patuloy sila sa pagpatay ng mga kawawang sibilyan. At hindi lang simpleng pagpatay ang kanilang ginagawa kundi karumal-dumal at hindi makatao.
Pumatay na naman ng pito katao ang mga terorista at ito na yata ang pinaka-marami nilang pinatay nang sabay-sabay. Pinugutan ng ulo ang pito. At ang masaklap ay ipinadala pa ang mga ulo sa 33rd Infantry Battalion sa Parang, Indanan, Sulu. Sabi ng mga residente nakita nila ang mga katawang walang ulo.
Dinukot ang pitong biktima noong Lunes at nag-demand ng P5 million ransom ang mga Abu Sayyaf na pinamumunuan ni Al-Bader Parad. Ang ransom ay pinaabot sa mga awtoridad sa pamamagitan ng text massages. Ang anim sa pitong hinostage ay pawang nagtatrabaho sa isang construction firm. Ang ika-pitong hostages ay hindi pa malaman ang pangalan. Hindi pa rin nakikita ang katawan.
Matagal nang sinasabi ng AFP na hindi magtatagal at mauubos na ang Sayyaf pero hanggang ngayon nakatayo pa rin sila at patuloy sa pagdami.
Noong 2000 nagpakita ng kabangisan ang grupong ito nang kidnapin sa Sipadan, Malaysia ang mga turista, Kumita ng limpak ang mga Sayyaf dahil sa hininging ransom. Sunod na kinidnap ng mga terorista ay ang mag-asawang Martin at Gracia Burnhams sa Puerto Princesa, Palawan. Nailigtas si Gracia pero napatay si Martin.
Ngayon ay balik na naman ang grupo sa kanilang gawaing pamumugot ng ulo. Wala nang respeto sa buhay ng kanilang kapwa ang mga terorista. Nang kidnapin nila ang dalawang lalaking teacher, pinatay din ang mga ito at isinabog ang ulo sa palengke. Dalawang babaing guro rin naman ang pinugutan ng ulo.
Durugin na ang Abu Sayyaf. Hangga’t hindi sila nadudurog ay hindi matatahimik ang mga kababayan sa Jolo. Huwag nang hayaan madagdagan pa ang kanilang napapatay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest