^

PSN Opinyon

‘Hepe ng LTO District office Nueva Vizcaya, sagutin mo ito’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
BiBIgyan ng espasyong ito ang isang e-mail mula sa isang nagrereklamong empleyado ng Land Transportation Office sa Nueva Vizcaya District Office.

Hinggil daw ito sa kanilang hepe na gumagawa umano ng "milagro" sa kanyang tanggapan na tahasang ibinulgar ng kanyang tauhan.

Hindi puwedeng gamitin ang BITAG na manira dahil lamang sa sumbong. May kasabihan kung may usok may sunog.

Hindi kami madali mapaniwala, marunong lamang kaming makinig. Ito ang pagkakaiba ng BITAG.

Magiging isang malaking pagkukulang sa parte namin na pinagsusumbungan lamang, kung hindi namin ipinaabot ang sumbong na ito, totoo man o hindi, tsismis man o katotohanan, sa taong sinusumbong.

Ang espasyo na ito ay patas at parehas. Narito ang kabuuan ng sumbong.

GOOD DAY SIR,

Ako po ay empleyado ng Land Transportation Office District Office sa Nueva Vizcaya. Gusto ko po sana ilantad ang kalokohan ginagawa ng aming hepe dito sa LTO sa Bayombong Nueva Vizcaya. Humihingi po siya ng "SOP" o lagay sa Land Insurance Company, rug testing centers at sa emission testing centers. Ganito po palaging ginagawa ng hepe namin dito, sa mga insurance mayroon siyang sop sa bawat sasakyan na maipaparehistro nila, sa motor at tricycles meron syang 40 pesos bawat isa at sa utility vehicle o mga 4 wheels na sasakyan meron syang 60 pesos bawat isa, every Friday ang remitance nila sa hepe namin. At ganun din po sa drug testing center. Sa emission testing center po naman ay lahat po ng client ni hepe ay siya na po ang nagrerehistro. Hindi po ba bawal ang non appearance sa emission testing centers? Ganun po kc ang kanyang ginagawa, pinapadala niya lamang ang papers tulad ng OR at CR ng sasakyan tapos pagbalik ayos na, may CEC na mula sa emission testing center kahit hindi dinala sasakyan ay nagagawan ng resulta. Kakilala nya po kc ang may-ari ng emission testing center na VIZCAYA EMISSION TESTING CENTER.

Maraming salamat po at sana matigil na ang ganitong klaseng pang-aabuso ng ating opisyal sa mga pobreng motorista.

BAYOMBONG NUEVA VIZCAYA

EMISSION

GANITO

GANUN

LAND INSURANCE COMPANY

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LAND TRANSPORTATION OFFICE DISTRICT OFFICE

NUEVA VIZCAYA

NUEVA VIZCAYA DISTRICT OFFICE

TESTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with