^

PSN Opinyon

Walang tiwala sa botohan

SAPOL - Jarius Bondoc -
ISA sa bawat dalawang botante ay tiyak na dadayain ang senatorial elections, anang huling survey ng SWS. Malinis man ang halalan sa kanilang presinto, duda pa rin sila kung maka-canvass ang boto nila. Ganyan na kabasag ang tiwala ng madla sa sistemang halalan.

At bakit hindi magkakaganyan? E, ang Comelec na dapat bantay ng gawi at imahe ng halalan ang mismong promotor ng gulo?

Itong kasalukuyang Comelec ang sumira sa sis-tema. Nagwaldas ng P1 bilyon sa voters ID cards na hindi naman na-deliver bago mag-halalan nu’ng 2004. Nagwaldas ng P1.3 bilyon pa sa maanomalyang automation contract, na ibinasura tuloy ng Korte Suprema. Tapos, naghasik ng lagim ang isa sa pitong commissioners, si Virgilio Garcillano na hanggang ngayon ay hindi mapaliwanag ang pangki-kidnap na nabunyag sa Garci Tapes.

Hindi natapos du’n. Nasunog ang old main building sa Intramuros dahil sa kapabayaan. Ginawang tirahan na may kitchenette ang third floor at imbakan ng krudo ng generators ang ground floor — mga tahasang fire hazards. Tamad o tanga sa trabaho. Nang sabihang may casual employees sa National Printing Office na kumokopya ng confidential serial numbers ng election returns, nagkibit-balikat lang imbis na mag-imbestiga. At ngayon lumantad ang raket: P100,000-P500,000 para ma-accredit sa party list, at P3 milyon-P7 milyon para manalo sa party-list voting.

Tatlong grupo na ang naglantad ng raket. Nilalapitan daw sila ng babae sa Comelec canteen sa new main building para alukin ng tiyak na party-list accreditation. Ang suhol ay para sa mga tiwaling commissioners. May opisina rin sa Malacañang, malapit kuno sa corrupt commissioners, na tumitiyak ng pagkapanalo sa bilangan. Basta bukod sa suhol, ilista raw na pangunahing uupong representante ang ka-opisina nila sa Palasyo.

Sisigaw tiyak ang Oposisyon na kagagawan lahat ito ng Admin. Pero hindi ‘yon lulutas ng problema, dahil malinaw na may independent rackets ang mga empleyado sa Comelec at Malacañang, na naroon na bago pa man maupo ang Admin. Boboto na lang tayo sa May 14, miski dayain.

COMELEC

GARCI TAPES

KORTE SUPREMA

MALACA

NAGWALDAS

NATIONAL PRINTING OFFICE

VIRGILIO GARCILLANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with