^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Overseas absentee voting, palpak!

-
MABUTI pang wala nang overseas absentee voting para makatipid sa gastos ang gobyerno. Wala rin namang nangyayari sa ganitong sistema sapagkat hindi lahat ng mga OFW ay nagpa-participate sa botohan. Paano magpa-participate sa botohan ang mga OFW na hindi naman gaanong na-educate ng Commission on Elections (Comelec). May malaking pagkukulang ang Comelec sa ganitong senaryo na walang kaalam-alam ang mga OFW sa magaganap na absentee voting nila. Ang masaklap, ni hindi alam ng karamihan ng mga OFW kung sinu-sino ang mga kandidato na kanilang iboboto. Kung ganito ang nangyayari, sayang lang ang pondo sa ginagawang absentee voting. Itigil na ang ganitong sistema. Kung sino na lang ang mama mayang nasa Pilipinas, sila na lang ang bumoto.

Unang araw ng absentee voting noong Sabado at walang kabuhay-buhay ang lahat. Nilangaw ang mga presinto sa mga embahada na pagdarausan ng botohan. Umano’y may kabuuang 88 foreign voting centers para sa mga OFW.

Sa Riyadh, Saudi Arabia, ayon sa report ay nilangaw ang voting center doon. Sa daang libong OFWs sa Saudi, mangilan-ngilan lamang ang nagsiboto at karamihan dito ay yung mga lider lamang ng mga organization doon. Mas marami pa umano ang langaw na nagpunta sa embahada sa Riyadh kaysa boboto. Isang problema ay napakalayo ng Diplomatic Quarter na kinaroroonan ng embahada na pagdarausan ng botohan.

Sa Hong Kong, 209 OFWs lamang ang bumoto noong Sabado gayong mahigit 96,000 ang Pinoy doon.

Isa sa mga problema na ang Comelec ang sini-sisi ay hindi updated ang pangalan ng mga kandidato. Umano’y nasa talaan pa rin ang pangalan ni Joselito P. Cayetano na kapangalan ni senatorial candidate Alan Peter Cayetano. Inalis na ang pangalan ni Joselito noon pa pero ang ipinadala pa ring kopya para sa absentee voting ay ang luma pa ring listahan. Anong ginagawa ng Comelec sa problemang ito? Masyado na ba ang pagiging abala nila sa ibang bagay gaya nang mabilisang pag-aapruba sa mga kandidato ng party-list?

Maraming problemang umuusbong sa overseas absentee voting at hindi malayong magkaroon din ng dayaan dito. Walang magandang magagawa rito kundi itigil na ang ganitong sistema sapagkat sa-yang lang ang pera at pagod. Marami rin lang OFW ang tila walang interes dito.

ALAN PETER CAYETANO

COMELEC

DIPLOMATIC QUARTER

JOSELITO P

SA HONG KONG

VOTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with