^

PSN Opinyon

Ang absentee voting law ni Tito Sotto

- Al G. Pedroche -
ISYU ngayon ang absentee voting law para makaboto ang mga Pilipinong nasa ibang bansa. Si COMELEC Chairman Abalos mismo ay dismayado dahil kakaunti ang bilang ng mga rehistradong absentee voters sa ibayong dagat. Nakalimutan na yata na may ganyang batas.

Totoo nga palang maigsi ang memorya ng ating mga overseas workers. Sa isang mock elections na ginawa sa Hongkong kamakailan, tila nawala sa isip ng ating mga bagong bayani ang principal author ng mismong Absentee Voting Law, na siyang nagbigay ng daan upang sila ay makaboto sa darating na eleksyon, na walang iba kundi si dating Senador Tito Sotto.

Kung inyong maaalala, si Sotto ang pinaka-unang nagsulong ng panukalang batas para mabigyan ng paraan ang mga kababayan natin na nakakalat sa maraming dako ng mundo para naman sila makalahok sa eleksyon kahit nasa ibang bansa. Iminungkahi ito ni Sotto nang una sIyang mahalal na Senador noong 1992. May mga tutol noon sa panukalang batas na ito. Subali’t ito ay patuloy na ipinaglaban ni Tito Sotto sa mga debate sa Senado ng mahigit 11 taon, hanggang sa ito nga ay tuluyan nang maisabatas noong 2003.

Sayang at di na yata ito naalala pa ng iba nating mga kababayan sa abroad at baka ang mga ibinoto nila sa mock elections ay yung mga di naman tunay na tagapagtaguyod ng karapatan ng mga OFWs.

ABSENTEE VOTING LAW

CHAIRMAN ABALOS

IMINUNGKAHI

NAKALIMUTAN

SENADOR TITO SOTTO

SOTTO

TITO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with