^

PSN Opinyon

Madalas makaranas ng palpitations

- Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
NAKATANGGAP ako ng sulat mula kay Ricardo Buenviaje ng Laguna, "Madalas po akong makaranas ng palpitations. Parang kinakabog po ang aking puso. Ano po ba ang dahilan nito?"

Ang palpitations ay ang mabilis at irregular na tibok ng puso na nararanasan ng mga tao dahil sa physical exertion o kung ang isang tao ay nagagalit, nag-aalinlangan o kaya naman ay natatakot.

Ang dahilan ng palpitations ay maaaring dahil sa stress, overactive thyroid gland, sobrang pag-inom ng kape, alak o ang pagka-allergic sa pagkain. Mas makabubuti kong dadagdagan ang pagkain ng mga sariwa at mabeberdeng gulay at mga pagkaing butil lalo na ang mayaman sa magnesium. Makatutulong ang mga pagkaing ito para maiwasan ang palpitations. Ipinapayo ko naman na bawasan ang pag-inom ng mga may caffeine, alcohol at ang paninigarilyo.

Para malaman ng doctor kung ang palpitations ay abnormal, aalamin ng doctor kung ano ang dahilan at nagkaroon ng palpitations. Aalamin din kung ang pagkakaroon ng palpitations ay gradual o bigla-bigla at kung mabilis o irregular ang tibok ng puso.

Kung ang palpitations ay nangyari habang ang ibang sintomas ay naramdaman din kagaya ng pananakit ng dibdib, paninikip ng paghinga, panghihina, pamamagod at pammumutla, maaaring may malubhang condition na kailangan ang physical examination at diagnostic tests gaya ng electrocardiography (ECG) exercise tolerance test, x-ray tests, echocardiography, Magnetic Resonance Imaging, Coronary Angiography at Cardiac Catheterzation.

AALAMIN

ANO

CARDIAC CATHETERZATION

CORONARY ANGIOGRAPHY

IPINAPAYO

KUNG

MADALAS

MAGNETIC RESONANCE IMAGING

PALPITATIONS

RICARDO BUENVIAJE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with