Habang nakiisa ako sa mga veterans sa kanilang kasiyahan, naisip ko naman na may mga sundalo rin na veterans sa mga giyera sa Mindanao na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukuha ang kanilang benefits. Dagdag pa diyan, alam kung marami pa ring military retirees na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng kanilang benefits. Hanggang kailan kaya sila maghihintay? Kasing tagal kaya ng paghihintay ng WWII veterans?
Naisip ko rin ang mga OFW na tinatawag nating mga bayani. Alam ko na hanggang ngayon, naghihintay pa rin sila ng konkretong services at benefits na magpapatunay na totoo nga talaga ang turing natin sa kanila, na sila nga talaga ay mga tunay na bayani, at hindi sa salita lamang.
Ang isang service na kailangan talaga ng mga OFW ay ang tulong sa kanilang re-integration sa pagbalik nila rito sa ating bansa. May iba sa kanila ang masuwerte dahil malalaki ang naipon at kaya nilang magtayo ng bagong kabuhayan sa kanilang pagbalik, ngunit marami rin sa kanilang walang naipon at sa kanilang pagbabalik, bumabalik din sila sa kahirapan.
Alam kong marami sana ang ating magagawa upang sila ay matulungan, ngunit kaylan pa kaya natin gagawin ito? Gaano naman kaya sila katagal maghihintay bago sila makatanggap ng tulong? Sana sa darating na election, may mga pulitiko na mangangako ng tulong sa kanila at talagang tutu-parin ito. Kung hindi, para naman silang naghihin- tay ng wala. Sino kaya sa mga kandidato ang totoong nagmamahal sa mga OFW?