Maraming nagdadasal para sa mabilis na paggaling ni FG
April 14, 2007 | 12:00am
MARAMING nananalangin -– maski mga kalaban sa pulitika para sa mabilis na recovery ni First Gentleman Mike Arroyo na sumailalim sa napakadelikadong operasyon sa puso. Nasa bingit pa rin ng panganib ang buhay ni FG ayon sa mga doctor nito sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City. Ayon sa mga doctor, 80 percent ang chance ng survival ni FG.
Labis akong natuwa nang marinig ang pahayag ng mga taga-Genuine Opposition na ihihinto muna nila ang paninira at pag-atakeng-pampulitikal kay President Gloria Macapagal-Arroyo habang grabe ang kalagayan ng asawang si FG.
Labis naman ang pagkabilib ko kay Sen. Panfilo "Ping" Lacson, sapagkat isa siya sa mga unang nag-offer ng panalangin para sa mabilis na paggaling ni FG. Si Ping ang unang nagbulgar kay FG bilang si "Jose Pidal".
Labis din naman ang pagsaludo ko kay Taguig Rep. Peter Alan Cayetano na isa rin sa mga maagang naghandog ng panalangin para sa mabilisang paggaling ni FG. Si Cayetano ay isa sa mga mahigpit na kalaban ni FG. Siya ang nagsabing may perang nakadeposito sa Germany si FG. Mahaba ang kanilang naging balitaktakan sa isyu ng perang nakadeposito. Itinanggi naman iyan ni FG. Hinamon pa ni FG si Cayetano na sumama sa Germany para tingnan nito kung may nakadeposito siyang pera. Ayaw namang sumama ni Cayetano.
Marami pang nagbigay ng panalangin kay FG at ang ganito ay magandang palatandaan na marami pa rin ang may mabuting kalooban. Sa kabila na magkakalaban sa pulitika ay sinasaisantabi muna ito para mahandugan ng panalangin ang maysakit. Napagtanto ko na sa ganitong ugali ng mga Pinoy, may pag-asa pa rin na makaahon sa kinalalagyan sapagkat nasa puso ang pagiging maka-tao at maka-Diyos.
Ako man ay labis ding nananalangin na sana ay gumaling na sa madaling panahon si FG upang makatulong na makaangat ang kabuhayan ng kanyang mga kababayan at manguna sa pananatili ng katahimikan sa bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended