Samantala, ipinagbili ng PSC sa kompanyang CTDC ang ilang lote ng subdivision kabilang ang Block 40. Walang kaalaman ang CTDC sa kalagayan ng Block 40. Makalipas ang 10 taon, nahalal ang bagong presidente ng PHVA na si Cely kung saan ito ang nagpatuloy ng laban tungkol sa Block 40. Naghain si Cely ng reklamo sa Housing Land Use and Regulatory Board (HLURB) upang buhayin muli ang naging resolusyon ng NHA noong 1980. Isinama rin ni Cely sa reklamo ang CTDC bilang akusado dahil ito raw ay kasunod sa interes ng PSC tungkol sa Block 40. Pinaboran naman ng HLURB si Cely at idineklara nito ang Block 40 bilang "open space" at inatasan ang Register of Deeds na itala nito ang Block 40 bilang anotasyon sa titulo nito. Pinagbawalan din ng HLURB ang pag-angkin ng PSC at CTDC sa Block 40. Ang desisyong ito ay sinang-ayunan ng HLURB Commissioners suba-lit inatasan nito ang CTDC na humiling sa PSC na bayaran nito ang pinsalang natamo. Tama ba ang desisyong ito?
MALI. Ang resolusyon ng NHA noong 1980 ay hindi maaa-ring ipatupad laban sa CTDC. Ang orihinal na desisyon na binuhay muli ni Cely ay tumutukoy sa pagitan ni Gerry at ng PSC at hindi sa pagitan niya at ng CTDC. Binili ng CTDC mula sa PSC ang Block 40, hindi bilang isang owner-developer kundi bilang isang karaniwang mamimili ng mga lote. At kahit pagkatapos ng bentahan, hindi naging owner-developer ang CTDC kaya hindi ito maituturing na kasunod sa interes ng PSC. Bukod dito, nang binili ng CTDC ang mga lote, walang anotasyon sa titulo ng PSC na nagsasabing ang Block 40 ay nakasangla o may karapatan ang ibang tao sa loteng ito. Kaya, ang CTDC ay isang mamimiling may mabuting hangarin at hindi dapat pagkaitan ng pagmamay-ari sa Block 40. Ang pagpapatupad ng isang pasya ay maaari lamang iisyu laban sa mga partido ng aksyon at hindi sa mga taong hindi nabigyan ng isang araw sa hukuman (Panotes etc. vs. City Townhomes Development Corporation, G.R. 154739, January 23, 2007).