^

PSN Opinyon

Hindi paraiso ang pamumuhay sa US pero kakaiba ang buhay dun

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MARAMI nang Pinoy sa buong Amerika. Noon, sa Los Angeles, San Diego, San Francisco, San Jose, California masasabing nagkalat ang mga Pilipino pero ngayon ay nagkalat na. Sabi nga, parang nasa Pilipinas ka rin kapag narito sa US. Akala mo ay nasa Makati o Cubao ka lamang sapagkat mga Pinoy ang nasa paligid mo.

Maaaring hindi na bababa sa anim na milyong Pinoy ang naninirahan at naghahanapbuhay sa Amerika kasama na ang mga tago nang tago (TNT). Ang pinakamarami ay nasa California. Hinuhulaan na lalo pang dadami ang mga Pinoy sa US sapagkat daang libo pa rin ang nakapila sa US Embassy naghahangad makatungo sa "land of honey" na paboritong destinasyon ng mga Pinoy.

Pero alam n’yo ba na hindi totoong paraiso ang mamuhay sa US. Kailangang kumayod nang husto sa bansang ito para maging mahusay ang pamumuhay. Ang iba ay may mga dalawa o tatlong trabaho para magkaroon ng sariling bahay at makapagpadala ng pera sa Pilipinas.

Matapos ang pagtatrabaho, ikaw pa rin ang mag luluto, maghuhugas ng pinggan at mga pinagkainan, maglalaba ng damit at maglilinis ng bahay sapagkat walang katulong.

Ang kaibhan lamang, malaki talaga ang pagkakaiba ng pamumuhay sa US kaysa sa Pilipinas. Sa US, basta’t masipag at masinop ka at handa kang sumabak sa trabaho, may pag-asang gumanda ang iyong buhay. Sa Pinas, kahit na ilang taon kang nagno-nobena, pahirapang makakita ng trabaho. Kung mayroon man, kakapiranggot ang suweldo at wala pang ibibigay na benefits katulad ng life and health insurances. Sa US, kahit na ordinaryong empleyado, kasama sa profit-sharing sa kikitain ng kompanya.

Napapakinabangan ng mamamayan ang taxes na kinakaltas sa kanila ng gobyerno. Hindi gaya sa Pilipi-nas, sa bulsa ng mga pulitiko napupunta ang pera ng gobyerno.

Hindi lamang US ang takbuhan ngayon ng mga Pinoy. Marami na rin ang nasa Canada, Australia, England, Italy, France, Hong kong, Japan, Singapore, Malaysia at China.

Sa palagay ko, darating ang panahon na ang Pilipinas naman ang mangangailangan ng mga professionals gaya ng doctor, nurses, engineers, teachers, caregivers at iba pa. Nag-alisan na kasi ang mga ito para magtrabaho sa ibang bansa. Kailan matatauhan ang mga pinuno ng Pilipinas?

AMERIKA

LOS ANGELES

PILIPINAS

PINOY

SA PINAS

SAN DIEGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with