Sa kabilang dako, ang mag-amang Sen. Aquilino Pimentel at ang anak na si Koko Pimentel ay kinasuhan sa Ombudsman ng katiwalian bunga ng paggamit umano ng government resources sa pangangampanya ng huli. Ang nagsampa ng kaso ay si Atty. Ed Tamondong, dating abogado ni ex-Commissioner Virgilio Garcillano ng COMELEC. Pinabulaanan na ito ng mag-amang Pi mentel. Pero madaling sabihing pinupulitika sila. Dapat patunayan ng mag-ama na walang basehan ang akusasyon laban sa kanila.
Sina Osmeña at ang incumbent Senador Pimentel ay kapwa nasasangkot sa usaping may kinalaman ang kani-kanilang anak. Hindi tayo huhusga. Pero dapat magpaliwanag ang dalawang pinagpipitaganang political figures ng bansa para malinis ang kanilang pangalan.
Kung hindi maipapaliwanag ng dalawa ang kanilang kaso, malamang na mahirapan makaahon ang dalawang GO senatoriables sa karera para sa Senado.
Ang anak ni Osmeña na kinasuhan ay ang dating bise gobernador ng Cebu na si John Gregory Osmeña na nasangkot sa pagpuslit ng droga sa bansa may tatlong taon na ang nakakaraan.
Ang kaso ng dalawang Pimentel ay hinggil sa illegal na paggamit ng pribeleyo sa pagpapadala sa koreo ng mga personal na sulat tulad ng fund solicitation letter para sa kandidatura ni Koko.
Kung totoo ang akusasyon, foul talaga iyan.
Pang-aabusong maliwanag sa privilege ng mga opisyal ng gobyerno para malibre sa bayad sa pagpapadala ng kalatas kahit ito’y sa personal na dahilan. Ang franking privilege ay para lang sa mga opisyal na bagay na may kinalaman sa kanilang tungkulin at di sa mga pribadong liham lalo na kung ito ay may kinalaman sa panghihingi ng pondo para sa eleksyon. Ang sino mang public official na gumagawa niyan ay talaga namang walang kahihiyan.