^

PSN Opinyon

Pimentel, Osmeña dapat magpaliwanag

- Al G. Pedroche -
CORRUPTION at illegal na droga. Iyan ang dalawang kasong pabigat sa dalawang senatorial candidates ng Genuine Opposition (GO). Ang kandidatura ay parang karera. Kung may pabigat, paanong aarangkada? Ang anak ni candidate John Osmeña ay nahaharap sa kasong pagpupuslit ng illegal na droga. Hindi man si Osmeña ang may kagagawan, ito’y batik sa kanyang pangalan.

Sa kabilang dako, ang mag-amang Sen. Aquilino Pimentel at ang anak na si Koko Pimentel ay kinasuhan sa Ombudsman ng katiwalian bunga ng paggamit umano ng government resources sa pangangampanya ng huli. Ang nagsampa ng kaso ay si Atty. Ed Tamondong, dating abogado ni ex-Commissioner Virgilio Garcillano ng COMELEC. Pinabulaanan na ito ng mag-amang Pi mentel. Pero madaling sabihing pinupulitika sila. Dapat patunayan ng mag-ama na walang basehan ang akusasyon laban sa kanila.

Sina Osmeña at ang incumbent Senador Pimentel ay kapwa nasasangkot sa usaping may kinalaman ang kani-kanilang anak. Hindi tayo huhusga. Pero dapat magpaliwanag ang dalawang pinagpipitaganang political figures ng bansa para malinis ang kanilang pangalan.

Kung hindi maipapaliwanag ng dalawa ang kanilang kaso, malamang na mahirapan makaahon ang dalawang GO senatoriables sa karera para sa Senado.

Ang anak ni Osmeña na kinasuhan ay ang dating bise gobernador ng Cebu na si John Gregory Osmeña na nasangkot sa pagpuslit ng droga sa bansa may tatlong taon na ang nakakaraan.

Ang kaso ng dalawang Pimentel ay hinggil sa illegal na paggamit ng pribeleyo sa pagpapadala sa koreo ng mga personal na sulat tulad ng fund solicitation letter para sa kandidatura ni Koko.

Kung totoo ang akusasyon, foul talaga iyan.

Pang-aabusong maliwanag sa privilege ng mga opisyal ng gobyerno para malibre sa bayad sa pagpapadala ng kalatas kahit ito’y sa personal na dahilan. Ang franking privilege ay para lang sa mga opisyal na bagay na may kinalaman sa kanilang tungkulin at di sa mga pribadong liham lalo na kung ito ay may kinalaman sa panghihingi ng pondo para sa eleksyon. Ang sino mang public official na gumagawa niyan ay talaga namang walang kahihiyan.

vuukle comment

AQUILINO PIMENTEL

COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

ED TAMONDONG

GENUINE OPPOSITION

JOHN GREGORY OSME

JOHN OSME

KOKO PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with