Hindi na maabutan ni Mayor Gonzales si Rene Quiapon

MUKHANG nakatungtong na sa bundok na Mt. Everest ang manok ni Rene Quiapon bunga sa sobrang init ng acceptance niya sa taga-Ligao City. Kaya’t kahit ga-bundok ding relief goods ang ipamudmod ng kalaban niya na si incumbent Mayor Linda Gonzales, eh hindi na niya maabutan si Rene Quiapon dahil sa sobrant taas na ng kinalalagyan n’ya. Kung gagawin ang election sa ngayon, tiyak kakain ng alikabok si Gonzales bunga sa gising na ang mga tao sa katotohanang matapobre siya at hindi maaaring lapitan ng nakaupo pa. Kaya puwede kong sabihin na bilang na ang mga araw ni Mayor Gonzales na dayo lang sa Ligao City. Sa ngayon, ang iluklok ng aabot sa 51,900 na botante ng siyudad ay ang tubong Ligao nga sa katauhan ni Rene Quiapon, na puno ng pangarap para paunlarin ang kabuhayan ng mga kapus-palad na kababayan niya. Si Rene Quiapon ay tatakbo sa ilalim ng partidong KAMPI.

Halos nilibot na ni Rene Quiapon ang lahat ng barangay sa Ligao City. Sa low land at high land at maging sa coastal areas ng siyudad ay pinagkakaguluhan siya. Talo pa ni Rene Quiapon ang isang artista. Naging laman kasi ng isipan ng taga-Ligao City si Rene Quiapon bunga sa siya lang ang kandidato sa Bicol na may konkretong plataporma lalo na sa aspetong education, fishery at iba pa na siya talagang hanapbuhay ng mga kababayan niya. Buhay na buhay sa mukha ng mga kabataan ng Ligao ang pag-asa habang nakihalubilo sila sa mga pulong o campaign sorties nga ni Rene Quiapon. At kung ang mga matatanda ang makausap sa Ligao City, sa sobrang dami ng kabataang tumataguyod o sumusuporta sa kandidatura ni Rene Quiapon, walang duda na ang pagkapanalo niya. Subalit kahit malakas ang dating o hatak niya sa kababayan niya, hindi naririnig na nagyabang si Rene Quiapon at imbes manatili itong humble at lalong hindi nagbabago ang pakikitungo sa tao. Hindi rin siya nagka-kumpiyansa. Kaya’t hayan, si Rene Quiapon ay mahal ng kababayan niya.

Sa katunayan, naging matagumpay naman ang kampanya ni Rene Quiapon sa mga low land barangays ng Nabunton, Binanuwan, Batang, Bay at Pinatagan. Nilibot na rin niya ang mga coastal barangays sa Catburauan, Tabarian at Maonon. Umakyat na rin siya sa highland barangays na Unaunam Balanac, Culliat, Bacong, at Tulatula. Bago pala magkaroon ng isang pulong, ang ginagawa ni Rene Quiapon ay mag-house-to-house kung saan ina alam niya ang mga problema ng mga kababayan niya. Siyempre, ang ipinamudmod ni Rene Quiapon ay ang clippings ng mga sinulat ko tungkol sa mga programa niya kapag naging mayor na siya ng Ligao.

Si Mayor Gonzales? Panay ang pamudmod ng mga re- lief goods sa mga constituents niya sabay sabing, ‘‘Mahal kayo ni Mayora.’’ Bahala na ang DSWD na alamin kung saan galing ang relief goods at kung bakit naglabasan ang mga ito ilang buwan matapos ang delubyong dulot ng bagyong Reming.

Si Rene Quiapon naman ay magsisim- ba sa araw na ito. Pagkatapos ng misa ay bibisitahin niya ang mga kamag-anak niya na kinaugalian niya tuwing Eastern Sunday.

Kay Rene Quiapon, tiyak hindi masasa-yang ang suporta ng taga-Ligao City.

Abangan!

Show comments