Mahirap sagutin kung bida o kontrabida si Ducat
April 3, 2007 | 12:00am
MAHIRAP sagutin ang tanong na bida ba o kontrabida si Jun Ducat.
Si Armando "Jun" Ducat, ang nang-hostage ng 26 bata at dalawang guro ng noong nakaraang Miyerkules sa may Manila City Hall. Sa 10 oras na hostage drama pinaabot ni Ducat sa media ang matinding pulitikahan at nakakalungkot na kakulangan ng edukasyon, pabahay at pangkalusugan sa Pilipinas. Pinagdiinan niya ang kanyang kahilingan na mabigyan ng pamahalaan ng libreng pabahay at edukasyon ang 145 na batang sa kanyang day care center sa Tondo, Maynila.
Sa ginawa ni Ducat, iba’t iba ang naging reaksyon ng taumbayan. Nabanggit ng mga batang hinostage na mahal na mahal nila si Ducat. Sinabi naman ng mga magulang ng mga bata na patatawarin daw nila ito at hindi idedemanda sapagkat maganda raw naman ang hangarin ni Ducat. Mayroon namang matigas ang puso na nagpahayag na dapat itong parusahan para hindi pamarisan.
Nagalit si DILG Sec. Ronnie Puno sa mga opisyal at tauhan ng Manila Police District. Iniutos niya na tanggalin sa puwesto si MPD Director Sr. Supt. Danilo Abarzosa at dalawa pang matataas na opisyal.
Isa sa mga ikinagalit ni Puno ay ang maluwag na nakalapit sa bus na sinasakyan nina Ducat at mga hinostage ang mga miron. Hindi raw ito dapat nangyari sapagkat maaari daw pagbuhatan ito ng gulo na magsisilbing panganib sa buhay ng mga batang hostage. Hindi rin daw dapat na pinayagang makapasok sa bus sina Sen. Bong Revilla at Gov. Chavit Singson.
Hindi ko pa alam ang resulta ng imbestigasyon sa ginawang pangho-hostage subalit, maliwanag na ang problema ng ating bansa gaya ng nabanggit ni Ducat ay maaaring nakaaapekto na sa isipan at kalooban nang nakararaming Pilipino. Hindi na nakapagpigil si Ducat para ipaabot sa mga may kapangyarihan ang kanyang hinaing. Si Ducat ay masasabi kong na-hostage sa kasamaan at kabulukan ng bansang Pilipinas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended