Nine years palang kinatawan ng Navotas si Ricky kaya naman alam na alam nito ang problema ng kanyang mga constituents sa nasabing lugar.
Sa tagal na panahong nanilbihan si Ricky nabigyan niya ng pansin ang mga problema sa pangkababuyan este mali pangkabuhayan pala, education, health, pagbaha at iba pa.
Dahil sa problema sa pagbaha naisakatuparan ang Malabon-Navotas Mega Flood Control Project para matugunan ang isa sa mga problemang ito.
Gayundin naman nagkaroon ng Project RICKY (Restructured Instruction on Computer Knowledge for the Youth) upang mabigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na magkaroon ng IT education sa kanilang mga schools, bukod pa sa mga scholarship program na ibinigay ng ating bida mula sa pondo ng Kongreso.
Sana para matupad ang pangarap ng mga taga Navotas kailangang piliing mabuti ng mga botante todits kung sino ang karapat- dapat na manungkulan.
Abangan!
Ang isyu, million of pesos ang gastos ng mga pulitikong tumatakbo ngayon eleksyon hindi ito biro.
Mabawi kaya nila ang kanilang magagastos?
Sa anong paraan, samantalang tatlong taon lamang sila manunungkulan sa kanilang magiging puwesto sa pamahalaan?
Magkano ang kanilang tatanggaping sahod from the government samantala ang mga gastusin nila ay dehins bababa sa P100 million lalo’t senador at congressman ang kanilang tinatakbo?
Paano nga ba?
Bayan ikaw ang makakasagot nito?
Tiyak halos lahat ng mga kandidato ay nangangako na naman sa kanilang mga mauutong botante.
Sabi nga, promise rito, promise roon!
Totoo kaya ang magiging pangako nila na uunlad ang bansa kapag sila ang naluk-lok sa kani-kanilang mga puwesto.
"Maniwala kaya tayo sa pangakong mapapako ng mga kandidato?" tanong ng kuwagong bolero.
"Matagal na yan," sagot ng kuwagong urot.
"Ano ang mabuti?"
"Kilatisin natin silang mabuti," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Paano?"
"Yan kamote ang diskartehan mo!"