^

PSN Opinyon

Ang 2 kandidato ng Ang Kapatiran

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MALAKI ang pagkakaiba ng Ang Kapatiran sa ibang mga partido o maski pagsamahin pa ang partido ng administrasyon at oposisyon.

Dalawang kandidato ng partidong ito sa pagka-senador ang dapat bigyan ng pagkakataong maglingkod sa mamamayan— sila ay sina Dr. Martin Bautista at Atty. Adrian Sison.

Sina Bautista at Sison ay kapwa may malinaw na pananaw sa paglilingkod at tumbok nila ang tunay na kailangan ng mamamayan. Hindi sila nambobola.

Si Bautista ay matagumpay na doctor sa US sa loob ng 17 taon at bumalik sa Pilipinas upang magsilbi sa mga kababayan. Siya ay nagtapos sa University of the Philippines. Ayon kay Bautista ang mamamayang Pilipino ang nagpaaral sa kanya. Isa sa kanyang ipapanukala kapag naging senador ay ang paggawa ng mga gamot dito sa ating bansa at ang pagpapababa ng presyo ng mga ito. Sinabi niyang may mga gamot tayo na nagkakahalaga ngayon ng P70 subalit puwedeng pababain ng 10 sentimos

Matindi rin ang katalinuhan at karanasan ni Atty. Adrian Sison, isang college professor at aktibo sa mga gawaing pang-sibiko. Mahaba ang kanyang karanasan sa iba’t ibang uri ng batas katulad ng tungkol sa pamilya hanggang sa pang-negosyo. Nagsilbi rin siya bilang adviser noong kahuli-hulihang constitutional convention. Ang paniwala ni Atty. Sison ay hindi pa kailangan ngayon ng Charter change. Ang problema aniya ay ang pagpapatupad at mga nagpapatupad. Sabi niya, ang pag-iisip at puso ng mga umuukit ng pamahalaan ang dapat magbago. Ang isa sa pinakamagandang binanggit ni Sison at Bautista ay isang termino lamang ang kanilang ipagsisilbi. Marami na raw magagaling na panukala ang magagawa ng senador sa loob ng anim na taon.

Kung gusto ninyong madagdagan ang nalalaman kina Bautista at Sison, bisitahin ang Ang Kapatiran.org.

ADRIAN SISON

ANG KAPATIRAN

BAUTISTA

DR. MARTIN BAUTISTA

SI BAUTISTA

SISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with