Ito palang si Capt. Mabbun ay naka-assign sa Malabon police. Naka-floating status siya. Subalit habang walang trabaho itong si Capt. Mabbun, aba nakasentro naman ang pag-iisip niya sa pagkakitaan o pagkalaman ng bulsa niya. Sa sumbong na nakarating sa akin, ito palang si Capt. Mabbun ay kinakaladkad ang pangalan ni Varilla sa operation ng video karera sa Mala-bon nga. Ang amo niya ay itong si alyas Charito. Siguro abot langit ang payola na tinatanggap ni Capt. Mabbun kay Charito dahil halos magpapakamatay siya dito para hindi mapasara ang illegal niya. At ang masama niyan, ginagawa ni Capt. Mabbun na pamato ang pangalan ni Varilla para hindi matinag-tinag ni NPD director Chief Supt. Pete Tango ang video karera ni Charito nga. He-he-he! Itong mga katulad ni Mabbun ang makakasira sa pangarap ni Varilla na maging PNP chief, di ba mga suki?
Ipinagyayabang kasi ni Capt. Mabbun sa NPD na bata siya ni Varilla. ’Ika nga sanggang diin sila. Kaya hayun, hindi matinag-tinag ang illegal na negosyo ni Charito sa Malabon. Aabot sa halos 30 o 40 makina ni Charito ang nakalatag sa ngayon sa bgy’s. Catmon, Longos at Longos Proper. Sa ngayon, umiikot pa ang mga espiya natin diyan sa Malabon para alamin ang mga puwesto ng makina ni Charito. Bulagain natin itong si Capt. Mabbun at Charito sa susunod na mga araw mga suki? Tingnan natin kung talagang sanggang-diin itong si Capt. Mabbun kay Varilla.
At bunga sa pagbanggit niya ng pangalan ni Varilla, tulad ni Gen. Tango, hindi rin makakilos itong si Sr. Supt. Ramon de Jesus, ang hepe ng Malabon, laban kay Capt. Mabbun. ’Ika nga tando-tando lang si de Jesus sa mga mando ng junior officer niya. Paano kasi ang man Friday ni de Jesus na si Orosco ay kakutsaba ni Capt. Mabbun sa operation ng video karera ni Charito nga. Kapag hinagupit ni Varilla itong si Capt. Mabbun, isama na rin niya sa listahan niya si Orosco para masawata ang operation ng video karera sa Malabon. Wala pang linaw sa kaso ni Abelardo. Pero titiyakin ko sa inyo mga suki, sing bilis ng tren ang action ni Varilla dito laban dito kina Mabbun at Orosco. Abangan!