^

PSN Opinyon

Varilla tularan mo si Calderon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
KUNG ang contractor na si Manuel Abelardo ay nagni-namedrop ng pangalan ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon aba ganu’n din pala ang problema ni NCRPO chief Dep. Dir. Gen. Reynaldo Varilla. Pero kung si Abelardo ay sa negosyo niya o sa sosyalan lang ipinagyayabang ang pangalan ni Calderon, itong si Sr. Insp. Rolan Mabbun ay sa illegal ginigisa ang relasyon niya kay Varilla. Kaya tulad ng ginawa ni Calderon na pinaimbestigahan niya si Abelardo, dapat rin sigurong tularan ni Varilla ang landas na tinahak ni PNP chief at lapatan ng kaparusahan itong si Capt. Mabbun para hindi na siya pamarisan pa. Si Abelardo kasi ay isang sibilyan kaya’t maari nating sabihin na masalimuot ang proseso para kasuhan siya. Pero itong si Capt. Mabbun ay miyembro ng PNP at sa kasong adminis<traotibo ay tiyak pasok siya. Kaya parang naaa/moy ko na ang pagsibak ni Varilla kay Capt. Mabbun at itapon ito sa ARMM. Puwede na, di ba mga suki? He-he-he! Ilang beses ko na bang sabihin dito sa kolum ko na walang ibubungang maganda ang pagyayabang, di ba Mr. Abelardo Sir?

Ito palang si Capt. Mabbun ay naka-assign sa Malabon police. Naka-floating status siya. Subalit habang walang trabaho itong si Capt. Mabbun, aba nakasentro naman ang pag-iisip niya sa pagkakitaan o pagkalaman ng bulsa niya. Sa sumbong na nakarating sa akin, ito palang si Capt. Mabbun ay kinakaladkad ang pangalan ni Varilla sa operation ng video karera sa Mala-bon nga. Ang amo niya ay itong si alyas Charito. Siguro abot langit ang payola na tinatanggap ni Capt. Mabbun kay Charito dahil halos magpapakamatay siya dito para hindi mapasara ang illegal niya. At ang masama niyan, ginagawa ni Capt. Mabbun na pamato ang pangalan ni Varilla para hindi matinag-tinag ni NPD director Chief Supt. Pete Tango ang video karera ni Charito nga. He-he-he! Itong mga katulad ni Mabbun ang makakasira sa pangarap ni Varilla na maging PNP chief, di ba mga suki?

Ipinagyayabang kasi ni Capt. Mabbun sa NPD na bata siya ni Varilla. ’Ika nga sanggang diin sila. Kaya hayun, hindi matinag-tinag ang illegal na negosyo ni Charito sa Malabon. Aabot sa halos 30 o 40 makina ni Charito ang nakalatag sa ngayon sa bgy’s. Catmon, Longos at Longos Proper. Sa ngayon, umiikot pa ang mga espiya natin diyan sa Malabon para alamin ang mga puwesto ng makina ni Charito. Bulagain natin itong si Capt. Mabbun at Charito sa susunod na mga araw mga suki? Tingnan natin kung talagang sanggang-diin itong si Capt. Mabbun kay Varilla.

At bunga sa pagbanggit niya ng pangalan ni Varilla, tulad ni Gen. Tango, hindi rin makakilos itong si Sr. Supt. Ramon de Jesus, ang hepe ng Malabon, laban kay Capt. Mabbun. ’Ika nga tando-tando lang si de Jesus sa mga mando ng junior officer niya. Paano kasi ang man Friday ni de Jesus na si Orosco ay kakutsaba ni Capt. Mabbun sa operation ng video karera ni Charito nga. Kapag hinagupit ni Varilla itong si Capt. Mabbun, isama na rin niya sa listahan niya si Orosco para masawata ang operation ng video karera sa Malabon. Wala pang linaw sa kaso ni Abelardo. Pero titiyakin ko sa inyo mga suki, sing bilis ng tren ang action ni Varilla dito laban dito kina Mabbun at Orosco. Abangan!

CAPT

CHARITO

ITONG

MABBUN

MALABON

NIYA

VARILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with