Bakit nasabi kong tumindi? Kasi nagsanib ng puwersa ang Lakas-UMCD at ang Kabalikat ng Malayang Pilipino para suportahan ang newest love team sa probinsya.
Dati patok si incumbent Governor Armand Sanchez. Parang inilatag na lang sa kanya ang posisyong gobernador on a silver platter. Pero nagbago ang scenario nang magpasyang tumakbo si Ate Vi.
Ngayon, maghahanap si Sanchez ng partido para mag-endorso ng kanyang reelection bid. Bigla kasing lumukso sa Kampi, mula sa Liberal Party si Sanchez. Obyus na hindi naman siya magpapalit ng partido kundi nagdeklara ng kandidatura si Ate Vi.
Halos in the bag na rin ang pagwawagi ni Edwin na katambal ni Ate Vi at anak ni Executive Sec. Eduardo Ermita dahil sa mga political development na ito. May kakayahan din si Edwin kahit bata pa. May mahabang panahon siyang konektado sa banking industry at may potensyal na umakit ng mga investors para magne-gosyo sa Batangas. Security expert din ang batang ito at may maiaambag sa pagtataguyod ng peace and order sa lalawigan.
Puwedeng puwede isabak ang young Ermita sa pagsugpo ng kidnapping, gambling, drugs, smuggling at kung anu-ano pang illegal sa Batangas na ayon sa aking impormante ay dumami sa panahon ng pamumuno ni Gob. Sanchez. Sabi nga ni Edwin, walang economic progress kapag walang peace and order. Korek ka diyan. Kaya all my best wishes sa bagong love team na ito. Vilma for Governor, Edwin for Vice Governor.