(Kang)Cong. Pichay
March 28, 2007 | 12:00am
SA mga institusyon ng gobyerno, pinakamataas ang approval rating ng Senado sa SWS Approval Survey. Tiwala ang tao sa maprinsipyong pagtanggol ng mga Senador sa ating karapatan. Kaya’t kapag kandidato’y may platapormang BUWAGIN ANG SENADO, saan ito pupulutin? Sa kangkungan!
Hindi ito biro. Si Cong. Prospero "Butch" Pichay na kandidatong senador ay nangangakong ipatitibag ang Senado kung manalo. Maaalalang siya ang ringleader ng Cha-cha na nagsabing hindi kailangan ang hiwalay na boto ng Senado upang ipagtibay ang Con-Ass. Kaya itanim sa utak: Ang boto kay Pichay ay boto laban sa Senado bilang institusyon.
Si Pichay ay dating seminarista, graduate ng La Salle Taft, publisher ng REMATE tabloid, kilalang taga-suporta ng larong Chess at 3-term congressman ng Surigao del Sur. Sa inilabas kahapon na SWS Senate Survey, No. 20 si Pichay. Pasok ito! Hindi sa Senado. Sa kangkungan.
Prospero Pichay Kwalipikasyon: 80/Plataporma: 65/Rekord: 80 Total: 75
Winners and Losers. Pinag-uusapan ang survey, hindi pa rin matibag ang matibay na 8 GO, 2 Ind at 4 TU sa top 14 ng SWS. Dahil isyu ng halalan ang performance at legitimacy ng Administrasyon, ang ganitong resulta ay sampal sa mukha ni GMA. Biggest loser si Pangilinan na bumagsak ng 9 percentage points mula noong February survey. Biggest gainer si Villar (5 points) at Escudero (4 points). Patuloy ang pag-angat ng nakapiit na Senador Gringo Honasan na ngayo’y pang siyam na.
Arrivals and Departures. Si Cong. Marcelino "Nonoy" Libanan daw ang ipapalit kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Al Fernandez. Tinanggihan ni Cong. Nonoy ang maging Solicitor General dahil hindi pa natatapos ang serbisyo sa partido (siya’y ÿSec. Gen. ng Lakas). Kung hindi demotion ang turing sa puwesto ay sana tanggapin na ang bagong alok dahil kailangan
ang kanyang malawakang karanasan at exposure sa pamamahala upang makontrol ang problemadong opisina. Dating Justice Committee Chairman ng House at vice-Chair ng Commission on Appointments, si Atty. Libanan ay GI (Goÿÿÿÿod Influence) sa BI.
Metro Politics. Rematch ng Lim vs. Atienza sa Manila. Sure winners: Binay ng Makati, Belmonte ng QC, Tiangco ng Navotas, nTrinidad ng Pasay (hangga’t hindi final ang dismissal sa Ombudsman). Eusebio vs. Jaworski sa Pasig, madugong laban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended