^

PSN Opinyon

Surveys, gabay lamang

- Al G. Pedroche -
SURVEYS, surveys, surveys. Kapag papalapit na ang eleksyon usong-uso ang surveys. Binabatikos porke kinukondisyon daw ang isip ng taumbayan sa kung sino ang mananalo sa eleksyon. Tama. Hindi ito dapat pagbasehan sa mag Aiging pinal na resulta ng halalan. Gabay lamang ang mga surveys upang sukatin ang popularidad ng mga kandidato o ng namumuno sa bansa. Any survey result may change overnight. Ang kandidatong popular ngayon ay maaaring¿ hindi na bukas and vice versa. Depende iyan sa mga ginagawa niya o nangyayari sa kanya na posibleng magpataas o magpabagsak sa kanyang popularidad.

Kamakailan, nagpalabas ng survey result ang Social Weather Station (SWS) hindi sa mga kandidato kundi hinggil sa satisfaction rating ni Presidente Arroyo. Hindi kandidato ang Pangulo pero importanteng masukat ang pagtanggap sa kanya ng tao dahil malaki ang impluwensya nito sa mga kandidaatong iniendorso niya tulad ng mga bumubuo ng Team Unity.

Ayon kina Senator Ralph Recto at Joker Arroyo, ang mga surveys at satisfaction rating ay gabay lamang at batayan kung maganda ang nagiging performance ng pamahalaan. Ginawa nina Recto at Arroyo ang assessment kamakailan matapos maglabas ang SWS ng resulta ng survey na nagsasaad na si Pangulong Arroyo ay nakakuha ng minus 4 satisfaction rating sa isinagawang survey mula Pebrero 24 hanggang 27.

Ayon sa nasabing survey 39 porsiyento ng 1,200 respondents ay nasiyahan sa performance ng Pangulo ÿ at 43 porsiyento ang dismayado. Kung tutuusin, bagamat marami pa rin ang dissatisfied kay PGMA, improvement ito sa mga nakalipas na survey sa kanya sapul noong Oktubre 2004. Sabi ni Joker, ang resulta ng survey nÿÿÿÿÿÿÿa ito ay dapat magtulak sa administrasyon na pagbutihin pa ang performance habang papainit ang electoral campaign.

Nagkaisa ng opinion sina Recto at Joker. Madarenlas kasi, ang sinusukat ng mga survey ay popularidad at hindi ang performance ng pamahalaan. Ayon kay Joker, nasa tamang landas ang gobyerno at karamihan sa mga hakbang na ginawa nito ay tama pero ang probalema, hindi popular o tanggap ng tao.

Anang dalawang Team Unity senatoriables, ang mga resulta ng survey ay nagpapakita ng pagbabago ng persepsyon ng mamamayan. Napapanahon din anila ang survey na isinagawa sa panahong kontrobersyal ang administrasyon sa usapin ng political killings.

Ayon pa kay Recto, ang survey na isinagawa naman ng Political and Ecolnomic Risk Consultancy (PERC) ng Hong Kong na naglagay sa Pilipinas bilang pinakatiwaling bansa sa Asya ay nagpapakita sa disgusto lalo na ng mga negosyante at mga Pinoy sa ibang bansa sa bureauGcratic red tapes na nagiging hadlang sa negosyo.

Dapat lang na sa resulta ng mga surveys na ito ay magising ang pamahaClaan at gawin ang kailasngang hakbang para maCbago ang pananaw ng taumUbayan at buong daigdig tungkol sa Pilipinas.

May pangako si Recto na kung mahahalal muli, kikilos siya para sugpuin ang talamak na katiwalian na malaon nang naghahari sa bansa. Ani Recto, aatupagin niyang maisabatas ang pagbuo ng audit commission na bibisita sa bawat ahensya ng pamahalaan para siguruhing walang anomalyang nangyayari. Sige ha? Promise!:

ANI RECTO

AYON

HONG KONG

JOKER ARROYO

PANGULO

SURVEY

TEAM UNITY

YUML

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with