^

PSN Opinyon

Cellpawnshop, iniimbestigahan na ng BITAG

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
PATULOY ang maliligayang araw ng mga cell phone snatchers sa Kamaynilaan. Sumasalakay sila oras na makakita ng oportunidad.

Hindi lamang mga snatcher ng cell phone, kundi ang mga magnanakaw na ang espesyalidad ay cell phone.

Numero uno sa kanilang listahan ng nanakawin ay ang cell phone, madaling pagkakakitaan at idispatsa.

Hindi rin kataka-taka na ang mga cell phone na kanilang nadedekwat napupunta sa mga pawnshop na tumatanggap ng mga na-snatch.

Sa mga sanglaan kadalasan nadidiretso ng mga notoryus na holdaper at snatcher ang kanilang nanakaw na cell phones.

Nitong nakaraang linggo, inimbestigahan ng BITAG ang isang reklamo laban sa isang pawnshop na ang espesyalidad ay pagpapasangla ng cell phone.

Isinangla ang cell phone sa Cellpawnshop pero nang tutubusin na niya ang cellphone, sinabi nila na nalooban daw sila.

Hindi pinanagutan ng nasabing pawnshop ang nawalÿang cell phone kaya sa BITAG sila lumapit.,

Abangan kung anong aksyon ang ginawa ng BITAG sa kasong ito gayundin ang naging reaksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa nasabing reklamo.

Kung meron kayong reklamo sa nasabing sanglaan, lumapit agad kayo sa BITAG.
* * *
Hotline numbers (0918) 9346417 / (0927) 8280973 o tumawag sa mga numero 932-53-10 at 932-89-19_. Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 a.m. at panoorin ang programang "Bahala sina Ben at Erwin Tulfo" Monday-Friday, 9:00-10:30 a.m. sa UNTV 37.

vuukle comment

ABANGAN

BAHALA

BANGKO SENTRAL

CELL

CELLPAWNSHOP

ERWIN TULFO

MONDAY-FRIDAY

PHONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with