Bulag sa katotohanan

TATLONG sunod-sunod na kapalpakan ang ginawa ng gobyerno sa pagsagot sa mga survey na naglalabas ng katotohanan. Noong nakalipas na taon, sinabi ng Palasyo na wala naman daw shortage ng trabaho sa Pilipinas, kaya lang pihikan daw ang mga Pilipino kaya marami ang walang trabaho kaya naman daw mataas ang unemployment.

Nang lumabas ang rating ng Political and Economic Risk Consultancy (PERC) na number one na sa corruption ang Pilipinas sa buong Asia, sinagot ni Mrs. Gloria Arroyo ang report, at sinabi niya na lumang data na raw ang ginamit ng PERC kaya ganoon ang lumabas. Ganoon pa man, hindi kaya naisip ni Mrs. Arroyo na kahit bagong data man ang gagamitin, hindi na lalayo sa number 2 or number 3 ang corruption rating ng Pilipinas at nakakahiya pa rin ito? Mali rin ang kanyang sinabi na lumang data ang ginamit, dahil alam naman ng mga foreigner na respondent ang totoong sitwasyon ngayon dito.

Kailan lang, naging katawa-tawa na naman at nakakahiya ang sagot ni Mrs. Arroyo sa survey na marami na raw ang nakakaranas ng gutom sa Pilipinas, isa raw sa bawat limang Pilipino, ayon sa report. Ang sagot niya, kaya naman daw maraming nagugutom ay hindi marunong ang mga tao na magtipid, dahil nga daw masyado silang waldas sa mga luxury items.

Marami ang hindi naniwala sa paliwanag ni Mrs. Arroyo ngunit higit na mas marami pa rin ang hindi makapaniwala sa kanyang utos sa mga government agency na lutasin na ang problema ng gutom sa loob ng anim na buwan. Talaga lang ha? Pagkalipas ng anim na taon sa ilalim ng kanyang pamumuno na wala naman siyang nagawa sa pagsugpo ng gutom, sino pa ang makapaniwala na kaya niya ito sa loob ng anim na buwan? Alam natin na mahilig sa "magic" si Mrs. Arroyo. Biglang nawala ang classrooms shortage nang dinaya niya ang computation. Ano kaya ang kanyang gagawin para dayain ang lalabas na bilang ng mga taong nagugutom

Show comments