Tapat na paninilbihan
March 24, 2007 | 12:00am
MATAGAL na panahon akong naging mamamahayag. Naniniwala ako na dapat ipaglaban ang katotohanan. Nakilala ako ng mga tumatangkilik sa akin dahil sa walang takot kong pagbubulgar ng katotohanan. Bagama’t maraming banta ang aking natanggap at maraming attempt ang ginawa ng mga corrupt at magnanakaw na suhulan ako, nanindigan ako sa ating paniniwala dahil alam ko na mas importante sa isang tao ang kanyang dangal at honor.
Nagkaroon rin ako ng pagkakataon manilbihan bilang opisyal ng gobyerno kung saan pinagmamalaki ko na wala akong bahid ng corruption. Una akong tinalaga ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada bilang General Manager ng Strategic Investment Development Corporation (SIDCOR) na mas kilala dati bilang Human Settlement Development Corporation (HSDC).
Isang bankaroteng opisina ito na may mga maliliit na corporation sa ilalim nito na punumpuno ng utang. May mga masasamang balita tungkol sa mga opisinang ito na nakarating kay Pangulong Erap nuong panahong iyon kaya ako ang pinag-utusan niyang ayusin ito. Galing ako sa media noon, tinalaga ako roon at tinanggap ko ng may konting pangamba pero isa ang naging gabay ko sa lahat ng mga desisyon at iyan ay konsyensya at takot ko sa DIYOS.
Isang malaking challenge pero sa tulong ng ilan kong mga pinagkatiwalaan at panalangin nagtagumpay akong maayos ang naturang opisina. Lumaki ang savings ng naturang opisina sa ilalim ng ating panunungkulan. Katunayan, ng ilipat ako ni Pangulong Erap upang mamuno ng iba namang opisina ay may savings na mahigit P400 milyon akong iniwan. Tumanggap din ako ng parangal galing sa Spain kasama ng 49 na iba pang kompanya mula sa iba’t ibang bansa.
Sa Philippine Tourism Authority (PTA) ako lumipat bilang General Manager din. Sinundan ko si Lito Banayo na isang napakahusay at napakagaling na administrador. Tinuloy ko lahat ng proyekto na hindi niya natapos pati proyekto ng nauna pa sa kanyang GM na si Ed Joaquin. Wala akong dala ni isa mang tao nang pumasok sa PTA. Kinuha ko ang tiwala nila at muli nagtagumpay ako.
Lalong napaganda ang benepisyo ng mga empleyado at nagdagdag pa ng ilang proyekto na hanggang sa araw na ito ay nakakatulong sa turismo sa iba’t ibang panig ng bansa. Nagtipid din ako sa lahat ng gastusin alinsunod din sa kautusan ni dating Pangulong Erap. Kaso, pilit akong inalis kahit na may anim na taon akong termino. Hanggang sa araw na ito ay may kaso akong sinampa laban sa administrasyon sa Supreme Court. Sa akin ang mga empleyado, lumaban sila, nag-mass protest pero ano magagawa ko sa mga nanunungkulan sa Malacañang.
Higit sa lahat, wala ring bahid ng anumang anomalya sa aking panunungkulan. Kung meron tiyak na iyon ang binato sa akin at hindi appointee ako ni Erap at kaibigan ako ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson at parang kapatid ako ni Lito Banayo.
Balik ho sa media at hinikayat po ako na pumasok sa pulitika bilang kandidato pagkakonsehal sa ikatlong distrito ng Maynila. Isang panibagong paraan ng paninilbi na aking tatanggapin.
Sasama ako sa ticket ni NAIDA ANGPING, tunay na Kongresista ng ikatlong distrito ng Maynila. Magiging kaagapay niya ako sa patuloy na TOTOONG SERBISYO. Prayoridad ko ay libreng edukasyon para sa Manilenyo, ‘yung walang contribution ni singko.
Libreng gamot din para sa mga hikahos nating kababayang Manilenyo na literal na kasalukuyan ay "bawal magkasakit." Pero ang adhikain ko laban sa katiwalian ay tutuloy ko pa rin dahil deretso na akong mapagsusumbungan bukod pa sa muli akong babalik sa pagsusulat pagkatapos ng election.
Sa isyu naman ng vendors, dapat bigyan sila ng tamang lugar kung saan sila makapagtitinda at makapaghahanapbuhay nang maayos. Gaya ng nakita ko sa ibang bansa, tourist attraction pa ang mga kapatid nating vendors kaya dapat silang tulungan. Gaya ng mga drivers, ultimo pedicab ay hindi sila dapat ginagawang gatasan at bigyan natin ng kaayusan upang makapaghanap buhay sila nang maayos. Of course, ang Rizal Avenue na sinarhan ay dapat buksan dahil malaking kabawasan ito hindi lang sa driver kung hindi lahat ng mga taga-Maynila at namatay ang mga negosyo rito. Sa squatters naman, naniniwala ako na prayoridad dapat sila sa tinitirikan nilang lupa at kung talagang dapat silang ilipat ay bigyan naman ng tama at maayos na malilipatan.
Sa ilegal na droga naman, tama ang ginagawa ni Sen. Lim noong siya pa ang mayor. Dapat labanan ang mga drug lord at kung maaari lamang ay ibalik ang death penalty para lamang sa kanila. Ilegal na droga rin ang dahilan ng karamihan sa krimen na siyang dahilan kung bakit lumalayas ang negosyante sa Maynila.
Sa isyu ng buwis, epektibong collection ang kailangan at hindi dagdagan. Dapat ding magkaroon ng wastong pangongolekta ng parking fees at iba pang mga koleksyon pero higit sa lahat dapat magkaroon ng tamang accounting nito.
Iyan po ang pangako kong ipaglalaban kung ako ay maluklok sa Konseho ng Maynila. Gaya ng pagiging isang mamamahayag, accountable ako sa inyo mga kapitbahay at kababayan ko at higit sa lahat sa DIYOS. Ako ang magsisilbing tinig at PAG-ASA NG MASA ng Maynila sa Konseho at tauhan ni Pangulong Erap na nag-eendorso sa aking kandidatura. Kay Pangulong Erap malaki ang utang na loob ko at hindi ko kailanman ikaiila iyan pero gaya ho niya, sambayanan o mga tumatangkilik sa inyong lingkod ang nagdala sa akin kung saan ako ngayon. MARAMING-MARAMING SALAMAT PO!
Sa pamumuno ni Mayor Alfredo Lim ay aming ibabalik ang dating ningning at pride ng Manilenyo at hindi lamang pagpapaganda ng panlabas na anyo. Ang target namin, bigyan ng magandang kinabukasan ang lahat ng Manilenyo sa pamamagitan ng magandang edukasyon, maayos na tahanan at higit sa lahat masustansiyang pagkain tatlong beses isang araw. Maraming salamat po at sa lahat ng taga ikatlong distrito ng Maynila sana tulungan niyo ang inyong lingkod, si NAIDA Angping at Perry Herrera na kandidato rin bilang konsehal. Sa mga tumatangkilik naman ng aking munting column, pansamantala lang akong mawawala at babalik muli. SALAMAT SA INYONG LAHAT.
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am