^

PSN Opinyon

Ligao Mayor Linda Gonzales, matunog ang pangalan ni Rene Quiapon, he-he-he!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SINIRA ni Rene Quiapon ang kalakaran ng pulitika sa Bicol. Maging si PMS chief Joey Salceda ay umamin na noon, ang sistema ng pulitika sa Bicol at turu-turo system na ang ibig sabihin ay kapag itinuro ka walang sablay na ang panalo mo. Pero ani Salceda, iba si Rene Quiapon, dahil hindi nga siya itinuro subalit maugong na ang pangalan niya na tatakbong mayor ng Ligao City.

Sa ngayon, si Rene Quiapon ay usap-usapan, hindi lang sa Ligao, kundi sa buong Bicol dahil sa 5-point program niya para sa kanyang programang "Rural Growth is our Quest". Ngayon lang kasi nangyari sa Bicol na ang isang pulitiko ay may programang isinusulong, hindi tulad ng iba diyan na sumasandal lang sa mga nakaupong ama nila o kamag-anak. At diyan sila tinalo ni Rene Quiapon.

Dumalaw ako sa Bicol noong nakaraang linggo at nagulat ako sa ugong ng pangalan ni Rene Quiapon kahit saan ako dumako. Kaya sa tingin ko, hindi na makakatulog ang makakalaban ni Rene Quiapon sa Ligao sa darating na May elections. Anong sey mo, Mayor Linda Gonzales, Ma’m?

Ano ba talaga ang nagtulak kay Rene Quiapon para pumasok sa pulitika? Kung hindi mo pa alam, Mayor Gonzales Ma’m, ganito ang kuwentong umiikot sa Ligao mismo. Noong pulis pa siya, madalas palang umuuwi si Rene Quiapon sa Ligao at ang mga kausap niyang kamag-anak o kaibigan ay hindi maiwasan na talakayin ang sitwasyon ng pulitika sa lupang sinilangan niya. Sa usap-usapan na yaon namulat sa isipan ni Rene Quiapon na kailangan na niyang kumilos para tulungan namang maiahon ang economic situation ng Ligao para naman umunlad ang pamumuhay ng kababayan niya. Kaya dahil marami naman siyang contacts, kinausap ni Rene Quaipon ang mga architects at engineers na gumawa ng E-Mall sa Naga City at kinumbinsi sila na magpatayo naman ng ganoon ding negosyo sa Ligao. Pero pagkatapos ng feasibility sudy, bumalik sa kanya ang kausap niya sabay sabing, aatras na sila dahil "Mahirap kausap ang mayor n’yo!" Yaon ay taong 2004 kung saan ilang ulit tinanggihan ni Rene Quiapon ang hamon sa kanya ng mga kababayan na pumasok sa pulitika. Gets mo Mayor Gonzales, Ma’m?

Ilang gabi ring hindi nakatulog mula noon si Rene Quiapon. Tinawagan niya ang kanyang malapit na kamag-anak at kaibigan na hindi naman nagsawa para himukin siyang tanggapin ang kanilang hamon. Ang sabi ng mga kausap niya, si Rene Quiapon lang ang makasisira ng dictum na, "Ligao is mine. The destiny of Ligaoweños is in my palm". Gusto rin nila na ang kasunod na uupong mayor ay ang puso’t damdamin ay nasa Ligao at hindi sa Pangasinan. Ang gusto pa nilang lider ay yaong kinukunsulta ang marami bago magdesisyon at hindi yaong matapobre at hindi makausap dahil napaliligiran ng sangkaterbang security at advisers. At siyempre, yaong batikan sa pakikipaglaan sa kriminal bunga sa tumataas ang bilang ng unsolved crimes sa siyudad nila. At sino pa ang isang lidre na may damdamin at malasakit sa kapwa Ligaoweños? At doon nagtapos ang sleepless nights ni Rene Quiapon. "I offer to you my fellow Ligaoweños all my effort, my integrity, my circle of friends in the business community and my expertise in curbing organized crime and drug syndicates, as a tool to catapult Ligao City into its fair share and seat as a better place for Ligaoweños to live," ani Rene Quiapon sa kanyang acceptance speech. Abangan!

BICOL

LIGAO

LIGAOWE

QUIAPON

RENE

RENE QUIAPON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with