^

PSN Opinyon

Pag-iwas sa sagot sa habla

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
UMUTANG si Remy ng US$20,054 mula kay Lita. Ang utang na ito ay naisulat at pirmado nina Remy at Lita. Subalit nang hindi nakabayad si Remy, inireklamo siya ni Lita sa Regional Trial Court upang mabawi ang halagang inutang.

Ipinadala ang summons sa bahay ni Remy subalit ito ay bumalik sa korte dahil hindi na nakatira roon si Remy. Kaya, isang alias summons ang inisyu sa bagong tirahan ni Remy sa isang subdivision. Sa muling pagkakataon, hindi naihain ng sheriff ang summons kay Remy dahil dalawang beses siyang pinigilan ng sekyu na si Garcia na makapasok sa gate ng subdivision nina Remy. Ayon sa sheriff, inamin daw sa kanya ng sekyu na iniutos sa kanya ni Remy na huwag magpapasok ng kahit sino sa kanyang bahay kapag wala ito. At kahit ano raw paliwa-nag ang ibigay ng sheriff na maaari naman nitong iwan ang summons sa sekyu dahil ito ay nasa hustong gulang at maituturing na nakatira sa lugar ni Remy, tumanggi pa rin daw ito. Kaya nagdesisyon na lamang ang sheriff na iwan ang kopya ng summons at kopya ng reklamo ni Lita kay Garcia upang ibigay nito kay Remy, kahit na tumanggi itong pumirma sa orihinal na kopya.

Hindi naghain ng sagot si Remy sa habla sa kanya kaya pinaboran ng korte si Lita kung saan inatasan si Remy na magbayad ng $20,054 at 3% interes kada buwan, P100,000 na moral damages, P50,000 na attorney’s fees at P1,500 sa kada isang appearance ng abogado ni Lita.

Sinalungat ni Remy ang naging desisyon ng korte laban sa kanya nang hindi siya sumagot sa habla. Iginiit ni Remy na ang serbisyo raw ng summons sa sekyu ay hindi isang pagtupad sa ipinag-uutos ng Section 7, Rule 14, Rules of Court dahil si Garcia raw ay hindi niya kamag-anak o kaya ay naninirahan sa kanyang bahay. Dagdag pa ni Remy na ang sekyu ay hindi isang awtorisadong tao para tu manggap ng summons ng mga residente ng subdivision. Kaya, sinabi ni Remy na hindi nagkaroon ng hurisdiksyon ang korte sa kanya kung kaya’t walang bisa ang naging desisyon nito. Tama ba si Remy?

MALI.
Ang summons ay naipatupad laban kay Remy kahit na hindi niya personal na tinanggap ito mula sa sheriff. Sapat na pagsunod sa probisyon ng batas tungkol sa serbisyo ng summons ang pag-iwan ng sheriff ng kopya ng summons at kopya ng reklamo sa sekyu.

Sa kabilang banda, hindi naman pinabulaanan ni Remy ang pagbabawal niya sa sekyu na hindi magpapasok ng sinuman kapag siya ang sadya at wala siya sa kanyang tirahan kung kaya’t dapat niyang tanggapin ang anumang resulta ng kanyang aksyon. Tama ang korte sa naging desisyon nito dahil nagkaroon ito ng hurisdik- syon kay Remy (Robinson vs. Miralles, G.R. 163584, December 12, 2006).

vuukle comment

GARCIA

KAYA

LITA

REMY

SUMMONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with