Kasama ang representante ng Department of Labor and Employment Region 4 at Department of Social Welfare and Development Region 4 nakita nila ang mga violation ng nasabing kompanya sa isinagawang operasyon kasama ang BITAG.
At nito lamang Huwebes, isa namang textile company na gumagawa ng mga "Ready to Wear" o RTW ang nahulog sa BITAG na gumagamit din ng mga menor de edad bilang kanilang trabahador sa Quezon City.
Sobra na nga sa oras, wala pa sa tamang pasahod ang mga batang ito maging ang iba pang mga trabahador sa nasabing kompanya na kumikita lamang ng P1,500 kada buwan at kadalasang nagtatrabaho ito hanggang gabi.
Mula sa isang sumbong ng dating trabahador nire-recruit pa ang mga kabataang ito sa ibat ibang probinsiya agad na kumilos pronto ang BITAG at isinagawa ang surveillance at undercover sa loob ng nasabing RTW factory.
Nahulog sa aming concealed camera ang mga kabataang nagtatrabaho sa loob ng factory na animo’y mga preso pagdating sa oras ng kanilang pagkain pumipila at kinukuha ang kanilang pagkain sa maliit na bintana. Bukod dito masikip at madilim ang kanilang tulugan.
Agad nakipag-ugnayan ang BITAG sa DOLE NCR, DSWD, Criminal Investigation and Detec-tion Group at Women and Children Concern Unit ng Quezon City Police District, at ipinakita ang mga videos na aming napitikan.
Sa isinagawang inspeksyon ng mga ope ratiba sa nasabing kumpanya nakita ang mga mahigit kumulang sa 10 menor de edad na nagtatrabaho na agad namang inilagay sa pangangalaga ng DSWD.