^

PSN Opinyon

Ang mga kababaihan at ang cancer sa suso

- Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
TUWING Marso ay ipinagdiriwang ang "Buwan ng mga Kababaihan" at dahil dito magandang pagtuunan din ng pansin ang sakit na karaniwang tumatama sa mga kababaihan, ito ay ang cancer sa suso.

Dito sa Pilipinas, ang cancer sa suso ang malaganap na sakit na tumatama sa mga kababaihan. Sa United States, tinatayang 130,000 kaso bawat taon ang naitatala samantalang sa United Kingdom, tinatayang 27,000 kaso ang naitala taun-taon.

Karaniwang tinatamaan ng cancer sa suso ay mga kababaihang nasa pagitan ng 45 hanggang 70 taong gulang subalit batay sa mga records, may mga babaing edad 30 pababa ang tinatamaan na rin ng cancer sa suso.

Ang mga kalalakihan man ay maaari ring dapuan ng cancer sa suso subalit maliit lamang ang bilang nito. Madali ring maagapan at nagagamot.

Ang mga babaing may malapit na kamag-anak, maaaring ina, kapatid at tiya, ay malaki ang panganib na magkaroon ng cancer sa suso. Karaniwang nagkaka-cancer ang mga kababaihang maaagang nagkaregla at ang mga atrasadong nag-menopause. Batay naman sa records, ang mga kababaihang nagbuntis nang maaga at nagpadede sa kanilang mga sanggol ay may malaking proteksiyon laban sa cancer sa suso.

Napatunayan naman na ang mga kababaihang survivors ng ibinagsak na atomic bomb sa Nagasaki at Hiroshima ay nagkaroon nang malaking panganib sa cancer sa suso.

Marami ang nagtatanong kung ano ang mabuting gawin para maiwasan ng mga kababaihan ang cancer sa suso. Walang 100 percent advice na maibibigay subalit ang low fatty diet ang kinokonsider na mainam. Ipinapayo rin ang regular na pagkain ng sariwang gulay at mga prutas. Regular na magpa-check-up sa doctor ang mga kababaihan.

vuukle comment

BATAY

BUWAN

CANCER

DITO

IPINAPAYO

KARANIWANG

SA UNITED STATES

SUSO

UNITED KINGDOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with