Ang 10 isyu hinggil sa halalan sa Mayo

BAGO iboto ang mga kandidato sa halalan sa Mayo, alamin muna natin kung ano ang mga paninindigan nila hingil sa mga sumusunod na sampung issues na lahat ay nagsisimula sa letrang "G".

Graft and corruption — Ayon sa World Bank, 30% ng ating annual budget ay ibinubulsa lamang ng mga tiwaling official ng gobyerno. Umaabot daw ng P300 billion ang nawawala taun-taon at halos lahat ng halagang ito ay dinadala at tinatago nila sa Hong Kong, Geneva, Taiwan at sa iba’t ibang bansa sa halip na ginagastos dito sa Pilipinas upang lumikha ng milyun-milyong trabaho.

Globalization — Noong taong 1994, ang Pilipinas ay nagratipika ng General Agreement on Tariff and Trade (GATT). Ang may panukala sa Senado para lagdaan natin ang GATT ay si Senadora Gloria Macapagal Arroyo na Chairperson noon ng Committee on Foreign Affairs sa Senado. Dahil sa GATT, inalis natin ang mga bakod na sana ay nag-protekta sa ating mga local na produkto. Kaya dinagsa tayo ng mga produktong galing sa China na murang-mura dahil sa ang labor cost nila ay masyadong mababa sanhi ng cheap labor nila. Dahil diyan, ang ating mga pagawaan dito sa Pilipinas ay nagsara at marami ang nawalan ng trabaho.

Gross incompetence — Kung may malubhang karamdaman ang ina mo, tatawag ka ba ng tubero para gamutin siya? Siyempre, hindi kasi mahal mo ang iyong ina. Si Pangulong GMA noong 2004 election ay personal mismo na nag-invite kay Lito Lapid na tumakbo sa pagka-senador. At ngayong 2007, siya mismo ang personal na nag-invite kay Cesar Montano na tumakbo sa pagka-senador. Mahal kaya ni GMA ang ating Inang Bayan?

Gambling — Ang turing sa gambling tulad ng jueteng sa Revised Penal Code ay "crimes against public morals". Si GMA noong nakaraang buwan ay iniwan ang "affairs of state" sa Palasyo upang makipag-halubilo kay Lily Pineda na kilalang kabi- yak ni jueteng lord Bong Pineda. Bahala na kayong magpasya kung okay ba sa inyo ang moralidad ni GMA at kanyang mga kandidato.

Grave felonies — Ang tinutukoy ko ay ang mga extra-judicial or unexplained killings na ayon kay Justice Melo ay kagagawan ng military at siyempre pa ang Commander-in-Chief nila dahil sa command responsibility.

Greed — Kasuwapangan. Senador si Papa, Congressman si Mama, Governor si Uncle, etc.

Garcilliano — Masisira lang ang araw ko kung i-detalye ko pa ang mga pinaggagawa niya noong 2004 elections.

Generals — Esperon, Lumibao at iba pang nabagngit sa "Hello Garci" tapes.

Gentleman of the Realm — Mike Arroyo. Best friend ni Joc Joc Bolante, Vicky Toh, Ephraim Genuino (PAGCOR Chairman) at kapatid ni Jose Pidal.

Gloria Macapagal Arroyo — Who happens to be the personification of all of the above or the P.O.T.A.
* * *
Makinig sa "USAPANG OFW" sa DZRH tuwing Linggo 10 to 11 a.m. Mag-e-mail sa royseneres@yahoo.com, text 09187903513, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515 at bumisita rin kayo sa Our Father’s Coffee.

Show comments