Samantala, unang opisyal na aktong ginawa ng bagong mayor ay ang mag-isyu ng isang Office Order at kahilingan sa CSC na bawiin ang isinagawang paghirang sa 14 na empleyado, nang walang abiso at pagdinig sa mga ito. Iginiit ng bagong mayor na ang isinagawang paghirang ay itinuturing na "midnight appointments" na labag sa Article VII Section 15 ng Saligang Batas na nagsasabing " ipinagbabawal sa Presidente o kumakatawang Presidente ang malghirang dalawang buwan bago ang nalalapit na halalan ng presidente hang- gang sa pagtatapos ng kanyang termino, maliban sa pansamantalang paghirang sa mga executive positions, upang hindi mapinsala ang seguridad at serbisyo sa publiko.
Gayunpaman, hindi pinaboran ng CSC ang kahili-ngan ng bagong mayor. Ayon sa CSC, naaayon daw sa batas ang naisagawang paghirang kung kaya’t epektibo ito at hindi na mababawi pa lalo na at aprubado ng CSC Field Office. Dagdag pa rito ang agad na pag-upo ng mga nahirang. Tama ba ang CSC?
TAMA. Ang probisyon ng Saligang Batas na nagbabawal vsa "midnight appointments" ay tumutukoy lamang sa paghirang ng presidente ng bansa. Walang batas na nagbabawal sa mga lokal na opisyal na maghirang bago magtapos ang kanilang termino, lalo na at kuwalipikado ang kanilang hihirangin.
Sa katunayan, kapag naisyu ang paghirang at naupo ang hinirang, nagkakaroon ito ng legal at karampatang karapatan na hindi mababawi o makukuha basta basta, maliban kung may balidong dahilan at may abiso at pagdinig sa mga ito. Ang karapatang ito ay protektado ng batas at ng Saligang Batas (De Rama vs. Court of Appeals G.R. 131136, February 28, 2001).