Isang young lady councilor ng San Pablo City ang sumulat sa atin kamakailan upang isiwalat ang lihim na pinakakatago ni Kiko.
Ang sabi ng lady councilor, importante si Kiko sa buhay niya. Malaki ang utang na loob niya kay Kiko. Pero teka. Ate Mega, bago ka mag-jeling, lemme explain na ang lady councilor na ito ay isa lang sa maraming pinapag-aral ni Kiko sa Asian Institute of Management (AIM). Sapul pa pala nang maging Senador si Kiko ay mayroon na siyang scholarship program pero kakaunti ang nakakaalam. Hindi kasi mahilig magpatunog ng trumpeta si Kiko sa bawat buting nagagawa.
Sumulat sa amin kamakailan ang number one councilor ng San Pablo City na si Ivy Arago. Ibinahagi niya ang kanyang magandang kapalaran dahil benepisyaryo siya ng scholarshiyp program ni Kiko.
Hindi lang konsehala si Ivy kundi isa ring negosyante ngayon. Ang magandang epekto nito ay gusto niyang pamarisan si Kiko kaya nagtatag din siya ng sariling scholarship program para sa mga mahihirap na estudyante ng high school sa kanyang lungsod.
Kamakailan ay nagtagpo sina Kiko at si Ivy sa isang campaign sorty sa San Pablo. Nagkaiyakan pa ang dalawa habang nag.kukumustahan. Nasabi ni Ivy ang balak niyang tumakbo sa 3rd congre.spsional district ng Laguna. Palibhasa’y hinihikayat siya ng iba’t ibang sector na puntiryahin ang mas matayog na katungku- lan bilang representante sa Mababang Kapulu- ngan at nang lumawak ang sector na kanyang matu_tulungan.
Nagalak naman itong si Kiko at maluha-luha ang matang agad itinaas ang kamay ni Ivy na kanyang protegee. Okay ang baZtang ito na protegee ni Kiko. 31 anyos pa lang pero malaki na ang konCtribusyon sa lipunan. Bukod sa scholarship, kabilang sa mga proyekto niya bilang konsehala ang environmental protection, libreng lingap-medikal sú_}a mga mahihirap na seryoso niyang isinasagawa.Ÿ Sana, marami pang gaya niya ang isilang sa mundo.