Kapag nagkaroon na kasi ng City College o University at high schools sa mga barangay ng Ligao, aba magiging mura na ang gastusin ng mga magulang para mapag-aral ang kani-kanilang mga anak. Kung ang coastal college naman ang maipatayo sa Bgy. Maonon, ang mga kursong i-offer nito ay angkop sa aquamarine at fishery at ang makikinabang tiyak ay ang mga mahihirap sa residente ng coastal areas. Kapag nagpatayo naman ng ospital siyudad at satellite clinic sa mga barangay, aba tiyak hindi na mabuburyong ang taga-Ligao sa kaiisip ng gastusin kapag nagkasakit sila. At higit sa lahat kung ang mga infrastructure projects naman ay para i-accelerate ang economic development ng Ligao City eh ang ibig sabihin nito ay karagdagang trabaho at ang makikinabang ay ang mga residente nga. He-he-he! Mayroon ka ba niyan, Mayor Gonzales, Ma’m? Para maisakatuparan ang mga programa ni Rene Quiapon may pag-asa!
Sa ngayon naman, maraming partido ang umaawit kay Rene Quiapon para maging kinatawan nila sa Ligao City. May mga regional at national officials ng mga partido ang kumakausap sa kanya, di ba Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte? Pero ang alam ko, may linyang direkta si Rene Quiapon sa Malaca- ñang bunga sa amo niyang si Transportation Sec. Leandro Mendoza. Para sa hindi pa nakaaalam, si Quiapon ay matagal nanilbihan sa ilalim ng liderato ni Mendoza noong PNP chief pa siya. Kapag may linya si Quiapon sa Malacañang, ibig sabihin nito plus factor din ito sa taga-Ligao City, di ba mga suki? Kung noon kasi, ang mga kailanganin ng taga-Ligao ay dadaan pa sa kung saan-sang opisina para makarating sa Malacañang, dito kay Rene Quiapon, aba direkta na sila. Meron ka rin ba niyan. Mayor Gonzales Ma’m?
Teka nga pala. Dapat imbestigahan ng Malacañang ang balita na ang mga relief goods para sa Ligao at ilang bayan sa Albay ay ginagamit para sa kampanya.
Abangan!