Wake up call
March 16, 2007 | 12:00am
ANG huling survey ng PULSE ASIA ay tilaok ng tandang sa GENUINE OPPOSITION (GO). Kung inaakalang lalampasuhin ng opposition ang mga kandidato ni Gloria, mag-iisip isip sa mga bagong resulta. Kung ngayon ang halalan, mukhang magiging 5 GO, 5 Team Unity at 2 Independent.
Ang survey ng SWS at PULSE ASIA ay may reputasyon na bilang pangunahing sukatan ng timpla ng publiko. Marami rin ang diskumpiyado sa dalawang grupo lalo na noong 2004 nang, sa isang iglap, na-overhaul ni GMA ang milya-milyang bandera ni FPJ nang palapit na ang eleksyon. Ang PULSE nga, pinipili lang ang gustong isaling pangalan sa survey. Subalit wala nang iba pang grupong umabot na sa antas ng kasikatan ng dalawang ito kaya’t, bilib man kayo o hindi, ang mga resulta nito’y pinahahalagahan.
Kapag lutang ka sa survey, may "ere" ka nang sure winner. Marami ang bumoboto sa siguradong panalo -– marami ring nagdodonasyon sa inaakalang liyamado. At sa mga naniniwalang dinadaya lang ang resulta, ang pakinabang ng survey results ay para bilugin ang ulo ng botante na may pag-asa pa ang kulelat.
Ang tamang reaksyon sa survey ay gawin itong timbre para sa strategy sa mga natitirang araw ng eleksyon. Kapani-paniwala man o hindi, nilalabas ito ng media at tinututok sa mukha nating lahat. Hindi matatakasan ang publisidad nito.
NINOY’s BOY. Isa sa sure winners ng opposition si Cong. Noynoy Aquino. Hindi biro ang maging anak ng dalawang pambansang bayani at kapatid ni Kris na mas malaki pa ang impluwensya sa pinagsamang Ninoy at Cory. Noong unang pagsabak ni Noynoy sa pulitika, hindi agad napurbahan. Subalit nagkaalaman din sa mga giyera sa Kamara ukol sa impeachment. Pina-impeach si ERAP at pina-impeach din si GMA. Siya nga ang isa sa malaking ca sualty ng impeachment wars dahil ang kanyang puwesto bilang Deputy Speaker ng Kamara ay sinakripisyo para sa prinsipyo.
Graduate ng Economics sa Ateneo. Muntik mapatay no-ong 1987 Coup d’etat. Former National President ng Philippine Jaycees. Maganda ang voting record sa Kamara. Plataporma? Demokrasya.
NOYNOY AQUINO Kwalipikasyon: 83 Plataporma: 85 Rekord: 85
Total: 84.3

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended