^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Ban ng OFWs sa Lebanon at Nigeria panatilihin

-
MAGULO pa ang sitwasyon sa Lebanon at patuloy naman ang mga militante sa Nigeria sa pangingidnap. Maaaring sumiklab ang giyera sa Lebanon habang animo’y mga tigre naman na nag-aabang nang masisila ang mga rebelde sa Nigeria.

Pero sa kabila ng mga alalahaning ito, karakang inalis ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ban sa pagpapadala ng mga worker sa dalawang nasabing bansa. Ganito na ba kades perado ang gobyerno at isusubo na naman sa mapanganib na sitwasyon ang mga OFW? Dahil ba malaki ang ipinapasok nilang dolyares sa bansa?

Sabi ng DOLE matiwasay na ang sitwasyon sa dalawang bansa at maaari na raw magtrabahong muli ang mga OFWs. Pero ipinaaalala ng DOLE na kailangang sumunod sa mga tinatadhana ng batas ang pagpapadala ng mga OFW doon. Ito ay para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga OFW sakali at magkaroon ng kaguluhan.

Sinuspinde ng DOLE pagpapadala ng OFW sa Lebanon makaraang sumiklab ang giyera sa pagitan ng Israel. Maraming domestic helpers sa Lebanon ang puwersahang nilikas. Pinangako naman ng gobyerno na ia-upgrade ang tinatanggap na salary ng mga DH. Mula sa $200 ay magiging $400 na ang kanilang suweldo. Magkakaroon din umano ng proteksiyon laban sa mga mapang-aping amo. Sumasailalim sa training ng TESDA ang mga mag-aaplay ng DH sa ibang bansa. Itinakda rin na 23-anyos ang mag-aaplay na DH.

Puwede na raw sa Lebanon sapagkat matiwasay na roon. Gaano sila kasigurado? Dapat siguruhin muna kung talaga bang wala nang sisiklab na kaguluhan at kung may sumiklab, buo na kaya ang mga plano sa paglilikas sa mga OFW. Naging kawawa ang mga OFW sa Lebanon noong nakaraang taon sapagkat halos lahat ng mga dayuhan ay nakaalis na pero ang mga Pinoy ay nananatiling naroon at walang masulingan.

Mas lalo namang mali ang pagkakaalis ng ban sa pagpapadala ng worker sa Nigeria. Hindi na ba ito pinag-isipan? Sa kasalukuyan, patuloy ang pagkidnap sa mga dayuhan doon. Kalalaya nga lamang ng Pinoy engineer na si Winston Helera. Kinidnap siya ng mga militante. Noong nakaraang January, 25 Pinoy seamen ang dinukot at mahigit isang buwan ding binihag. Marami pang Pinoy na ang dinukot doon.

Huwag alisin ang ban sa OFWs sa Lebanon at Nigeria. Delikado ang kanilang kalagayan.

DAHIL

DAPAT

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

LEBANON

PERO

PINOY

WINSTON HELERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with