^

PSN Opinyon

Sa kriminal dapat ituon ng AFP at PNP ang tapang nila

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
Diyan ho sa may lugar ng Quiapo, malapit diyan sa tinatawag nilang Estero San Miguel ay apat katao na ang napapatay ng mga hindi pa kilalang tao na namamaril sa hindi malamang dahilan.

Huling biktima po ay si Edgardo Mendoza, 26, may asawa at dalawang anak na naglalakad lamang ay ginawang ibon at tinarget nuong March 4.

Marami pang ibang insidente ng pamamaril sa naturang lugar ng mga walang kaluluwang mga taong ito na akala mo ay ibon ang ginagawa nilang target.

Sana ang mga sundalong tinatalaga sa mga squatter’s area ng Metro Manila ang siyang ilipat dito at hulihin ang mga walang magawang mga taong ito.

Papalakpakan pa sila ng sambayanan at makakatulong sila sa mga undermanned Philippine National Police.
* * *
Totoo pong undermanned ang PNP pero malaking tulong sana kung hindi nila papayagan ang pagsisilbi ng ating mga pulis bilang escorts sa mga patay, kasal at mga pulitiko at opisyal na ayaw makaranas ng traffic.

Dagdag niyo pa riyan yung mga mahihilig magsilbing bantay ng mga kargamento galing sa pier at nais lamang tutukan ay mga pobreng vendors at mga drivers ng jeepney, tricyle o pedicab.

Kung malilimitahan ito, hindi gaano magiging malaki ang pagkukulang ng PNP at tiyak na bababa ang bilang ng krimen.
* * *
Isa sa pangunahing isyu sa labanan sa local na election sa Maynila ay ang peace and order situation. Sa ating pag-iikot sa ikatlong distrito ng Maynila ay ramdam na ramdam natin ang pag-aalala ng ating mga kababayan sa patuloy na pagtaas ng krimen at kaguluhan sa dati rati ay premier city ng bansa.

Kung dati kasi ay patayan lamang dahil sa nakawan o di kaya’y pagtatalo sa inuman, ngayon ang uso ay rumble at riot sa gitna mismo ng kalye sa maraming lugar ng Maynila.

Halatang halata ito sa maraming lugar dito kung saan grabe ang kandado ng mga bahay at wala ng nais maglakad pagkagat ng dilim.

Diyan lumalamang si Sen. Alfredo Lim na nais bumalik bilang alkalde ng Lunsod ng Maynila. Sa panahon niya bumaba ang krimen sa naturang siyudad dahil kahit paano ay napigilan niya ang iligal na droga sa kanyang kampanyang ispray paint ang tahanan ng kilalang mga drug pusher.
* * *
Ang labanan sa pagiging number one sa senado ay mauuwi sa pagitan ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson at ni Senadora Loren Legarda.

Kahit na may mga ibang survey na lumalabas na hindi silang dalawa ang number one and two ay temporary lamang ito dahil sa kahuli hulihan ay consistencies sa lahat ng probinsiya ang magdadala sa dalawa upang maghabulan sila sa una at ikalawang posisyon sa election para senador.

Patunayan riyan ay ang resulta ng survey sa Manila kung saan pangitang pangita na one and two si Ping at Loren. Bihira kasi ang taong boboto sa oposisyon na pipiliin lamang ang isa at ilalaglag ang isa.

Katunayan, karamihan sa mga nakausap natin at marami ho iyan dahil patuloy ang ginagawa nating consultation sa ikatlong distrito ng Maynila ang nagsasabing iboboto nila ng straight ang opposition tickets hindi lamang for senators kung hindi pati sa mga local na posisyon gaya ng congresswoman, mayor, vice mayor at konsehal.

Sabi nga ng karamihan, ayaw na namin ng luma at wala naman silang nagawa lalo na ang mga nakaupo ngayon na sariling kapakanan ang inaasikaso.
* * *
Pasalamat tayo kay Kathryn dela Rosa na talagang sinamahan tayo sa pagiikot at sa mga kasamahan ni Renato Castro at mga kasamahan sa M. Hizon tricyle drivers and operators association na araw araw palang nagbabasa ng ANG PILIPINO STAR NGAYON.

Kakataba po ng puso na lubos ang paniniwala nila sa inyong lingkod at sa number one tabloid sa buong bansa.

Thank you rin ng marami sa kay Reynaldo Panoso ng Frontier Metal Fabrication na isa ring masugid nating tagasunod.
* * *
Buking na buking ng mga Cebuano ang kanilang mga opisyal sa overpricing ng mga ilaw at lampposts na inapura dahil sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) leaders meeting ilang buwan pa lamang ang nakaraan.

Nagkahalataan dahil pare-pareho ang ilaw na ginamit at natuklasang overprice na nga sa isang siyudad ay sobra pang overprice sa isa pang siyudad.

Mukhang mangyayari ito sa iba pang lugar sa bansa kung saan isang pangunahing lungsod sa Metro Manila ang nagkabit ng ilaw mula sa China na ginaya naman ng isang probinsiya sa Southern Tagalog.

Hindi malayong mag-imbistiga ngayon ang ilang mga katunggali ng mga opisyal na ito kung magkano ba talaga ito. Of course madali itong ikumpara dahil pareho ang tipong ginamit kagaya ng nangyari sa Cebu.

Susunod namang gawin pag nakitang magkaiba ang presyo ang ipagtanong sa China at naku, laki ng kita. Hehehe!!! Bukingan na naman!!!
* * *
Kung ang akala ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria ay mapipigil nila ang katotohanan at maitatago nila ang kabulukan sa pamamagitan ng walang tigil na pagpaslang ng media men at pagsasampa ng kasong libelo laban sa mga mamamahayag, nagkakamali sila.

Sa kasaysayan ho natin ay walang nagtagumpay na itago o takpan ang katotohanan dahil sa bawa’t isang kanilang napatahimik ay sampu o higit pa ang papalit.

Tanging paraan upang mabago ang anyo at kredibilidad ng administrasyon ay sagutin ang katanungang, nagnakaw ba? nagsinungaling ba? at nandaya ba? hanggang sa araw na ito ay hindi nila masagot ito kaya hindi lang bokya ang kredibilidad ng Malakanyang kung hindi negative pa.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o mag text sa 09272654341.

CENTER

KUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with