^

PSN Opinyon

‘Hiya’

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
Tumungo sa Estados Unidos kamakailan ang ilan nating mambabatas at opisyal ng gobyerno upang i-apela sa pamunuan ng CGFNS na baguhin ang nauna nitong desisyon na huwag bigyan ng visa ang mga kumuha sa kontrobersiyal na June 2006 nursing board examination.

Bago ang biyahe, idiniin na ng CGFNS na hangga’t hindi umuulit ng Test 3 and 5 ang mga examinees at muling naipasa ang mga ito, walang mabibigyan sa kanila ng pagkakataong makapagtrabaho sa Amerika. Bago pa rin ang biyahe, idinagdag ng CGFNS na huwag ng pumunta ng US mainland ang mga gustong "makiusap" sa kanila dahil malinaw ang kanilang mandanto at wala nang dapat pag-usapan pa.

Subalit, talaga yatang may katigasan (o sadyang bobo?) ang ilan sa ating mga kababayan dahil sa kabila ng mga babala ay nagpunta pa rin. Ang resulta siyempre ay ang pagkapahiya hindi lamang ng naturang delegasyon bagkus, pati na ng ating bansa.

Ngayon naman, upang marahil ay "makabawi" sa kanilang walang saysay na biyahe, sinasabing dapat ay i-apela na ang naturang bagay sa US Congress na mismo. Sa ating nakikita, muli na naman tayong mapapahiya. Marahil ay gusto nang sabihin ng mga Amerikano:’ What’s the matter with you Pinoys? Can’t you understand plain English anymore?’

Simple ang mandanto ng CGFNS: Tiyakin ang kali-dad ng mga dayuhang nurse na pumapasok sa Ame-rika upang doon magtrabaho. At kasama sa pagtiti- yak ng kalidad na ito ang kredibilidad ng kanilang mga dinaanang pagsu-sulit. At simple lang din ang solusyon para sa kanila: Retake ng Tests 3 and 5.

Nagtataka pa rin ako kung bakit, sa kabila ng pagpayag ng Malacañang na magre-take na lang at sagutin na lamang ng gobyerno ang gastos, may ilang grupo pa ring nagpipilit na gawin ang isang bagay na alam naman ng lahat na hindi puwedeng mangyari.

Iba-iba ang depi_nisyon natin sa sa_litang ‘hiya’ (loss of face) depende sa umiiral na sitwasyon. Subalit, dapat din sigurong ipa-alala natin na sa lahat ng pag_kakataon dapat nakatapak ang ating mga paa sa lupa.

May mga tao kasi na sobra ang pagpapahalaga sa sarili at sa kanilang mga binitiwang salita, kahit wala na sa lugar, ipipi-lit pa rin ang gusto dahil ayaw ‘mapahi-ya,’ tulad ng isyung ating tinalakay.

We should learn to know when we are being embarrassed by others and— when we began to look embarrassing to others.

AMERIKA

AMERIKANO

ESTADOS UNIDOS

MALACA

MARAHIL

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with