^

PSN Opinyon

Gen. Calderon pamangkin mo nga ba si Manuel Abelardo?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NARARAPAT lamang na paimbestigahan ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon ang pagni-namedrop umano ng pangalan niya ng isang Manuel Abelardo. Sa impormasyong nakarating sa akin kasi, si Abelardo ay nagpapakilalang pamangkin ni Calderon sa mga kausap niya sa negosyo o mga kakilala. Si Calderon at si Abelardo, isang contractor, ay tubong Nueve Ecija. Pero marami sa mga kausap kong Novo Ecijano sa Manila Police District (MPD) ang nagsasabing walang relasyon sina Calderon at Abelardo nga. Baka naman nagyayabang lang si Abelardo ng banggitin niya ang pangalan ni Calderon? Kaya dapat utusan ni Calderon si CIDG director Edgar Doromal na arukin kung ano ba talaga ang intention ni Abelardo sa pag-namedrop ng pangalan nila. He-he-he! Dahil lang sa pagyayabang may posibilidad pang makasuhan si Abelardo, di ba mga kosa?

Kung sabagay, kung kaso na rin lang ang pag-uusapan, marami nang nakasampa laban kay Abelardo. Ayon sa balitang nakalap ko, ang pinakahuli ngang kaso na isinampa kay Abelardo ay ang less serious physical injuries, malicious mischief at grave threats sa Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 65 sa Makati City. Mukhang binugbog ni Abelardo ang taxi driver na si Benjamin Masongsong, bunga lamang sa gitgitan sa trapik. Ano ba ’yan? Ang siste, itong si Masongsong sa ngayon ay driver na ng isang banker at ayaw nang umatras sa laban. At ang masamang balita para kay Abelardo, si retired Court of Appeals Justice Demetrio Demetria na ang tumatayong abogado ni Masongsong. Aba, bumigat lalo si Masongsong ah?

Hindi lang ’yan! May kasong isinampa rin si Honorio Carlos na nakarating na sa Supreme Court at ang annulment case sa sala naman ni Judge Puzon, ang hukom na humawak ng kaso ni ‘‘Nicole’’ na ni-rape umano ng mga GI’s sa Gapo. Kaya lang mga suki, masalimuot ang mga kasong isinampa kay Abelardo at hindi ko muna tatalakayin hangÿ#gang walang decision ang korte rito. He-he-he! Mahirap na no!

Dahil contractor nga siya, marami ring nabigyan ng trabaho si Abelardo. Katunayan, marami ang naka-empleyo sa kanya sa proyekto niya sa ngayon sa pag-construct ng isang historical museum sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus, Cavite. Kaya lang may balita rin akong nakalap na ang kompanya ni Abelardo ay ni-revoke ang registration sa Securities and Exchange Commission (SEC) bunga ng hindi pagsumite ng yearly financial statement and general information. Puwede kayang habulin ng gobyenro si Abe-lardo bunga sa patuloy niyang paggamit ng multo niyang opisina? At anong sangay naman ng gobyerno ang puwedeng humabol kay Abelardo?

Hihintayin natin mga suki ang resulta ng napipintong imbestigasyon na iuutos ni Calderon. May batas ba tayong nagpaparusa sa mga namedropper?

Hindi ko kilala ng personal itong si Abelardo, pero kung nanaisin niya handa akong pakinggan ang kanyang panig tungkol sa mga isyung ito. Abangan!

ABELARDO

BENJAMIN MASONGSONG

CALDERON

CAMP PANTALEON GARCIA

KAYA

MASONGSONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with