^

PSN Opinyon

Sinta

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
KWALIPIKASYON: Vice-President ni FPJ. Senate Topnotcher. Unang Majority Leader na babae. Masters Degree sa National Defense College. Cum Laude sa UP. Lieutenant Colonel sa Air Force Reserve. Grade: 90

Plataporma: Law and Order. Rights of women and youth. Education and environment. Nationalism.

Grade: 92

Rekord: "Magnificent 5" na bumoto laban sa VFA. Tumulong sa pagpapalaya ng mga sundalong priso-ners of war ng NPA. Luntiang Pilipinas na nakapagtanim ng higit 2 milyong puno. Most hardworking Senator. Grade: 91

Pangalan: LORNA REGINA LEGARDA o LOREN. Hindi rin nalalayo sa kontrobersya si Senadora Legarda. Karaniwang target ng haka-haka ang kanyang pribadong buhay at ang kanyang ambisyon sa pulitika. Patunay lang na walang masabi ang mga kritiko tungkol sa kanyang rekord sa serbisyo dahil ito’y kahanga-hanga. Sinurender ang protesta niya kay de Castro para sa pagkakataong makapaglingkod nang muli sa bayan. Walang duda ang REPORT CARD na ang ganitong debosyon ay susuklian ng No. 1 sa halalan.

PANDACAN GRADUATION
. Matapos ang mag-iisang siglong pamamalagi sa tabing Pasig, tinaningan na ni Manila Mayor Lito Atienza ang mga Multinatio-nal Oil Company na may bodega ng langis sa Pandacan. "Pack up" na kayo kasunod ng desisyon ng Supreme Court na nagbigay bisa sa zoning ordiinance ng lungsod.

Matagal nang reklamo ng mga residente at opisyal ng Maynila ang lokasyon ng Depot dahil sa peligro nito sa kalusugan at kaligtasan. Ngayong wala nang balakid sa pagpatalsik dito, kailangan na rin sigurong reebisahin ang mga pagkakautang nito ng business tax sa Lungsod ng Maynila. Ilang dekada na ang lumipas at hindi pa nareresolba ang depensa ng mga kompanya na exempted daw sa lokal na buwis ang produkto ng langis. Mahigit bilyong piso sigurado ang bibilangin ng Maynila sa tax payments kung sakali.

Ang desisyon ay dangal ng Korte Suprema, tagum"pay ni Mayor Atienza at graduation gift sa lahat ng Manilenyo. Madadagda gan ang kita ng lungsod sa dadag_sang mga negosyo sa bagong Pandacan com_mercial zone paglisan ng oil companies.

Tatlumpung ektarya rin ang mababakante na maaring tayuan ng magandang development.

Ito’y magsisilbi ring mitsa sa patuloy na asenso ng ating mahal na Kapitolyo ng Pilipinas.

AIR FORCE RESERVE

CUM LAUDE

KORTE SUPREMA

LIEUTENANT COLONEL

LUNTIANG PILIPINAS

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with