Isinusuka na ng taumbayan ang iba’t ibang partido
March 8, 2007 | 12:00am
SANA mabilis na makarating sa kasuluk-sulukan ng Pilipinas at sa iba pang lugar na may mga Pilipino ang political party na Ang Kapatiran. Ito ay naiiba sa mga partido ng administrasyon at oposisyon at ang kani-kanilang mga koalisyong partido sapagkat ang sentro ng pagkakatatag ng Ang Kapatiran ay paigtingin ang moralidad ng mamamayan, kahalagahan at pagrespeto sa buhay at maayos na pamahalaan.
Tamang-tama ang pag-usbong ng Ang Kapatiran sapagkat matagal nang isinusuka ng taumbayan ang iba’t ibang partido. Pare-pareho na lamang ang lahat ng mga partido na walang ipagkakapuring prinsipyo at pambihirang adhikain na dapat sanang magtataas ng uri, karakter at kalibre ng mga kasapi sa mga ito. Kaya ang nangyayari, puro mga palpak na pinuno at opisyal ang nahahalal at napipili ng mamamayan para magpa takbo ng pamahalaan.
Dahil talagang naiiba ang programa ng Ang Kapa- tiran kaya dapat suportahan sa darating na eleksyon. Kan didato sa pagka-senador ng partidong ito sina Zosimo Paredes, dating Exec. Director ng Visiting Forces Agreement, Atty. Adrian Sison, abogado at isa ring broadcaster at Martin Bautista, isang dalubhasang doctor at balikbayan.
Marami nang taga-media ang tumutulong upang maipakilala at mapalawak ang kaalaman ng mama mayan sa plano at programa ng Ang Kapatiran. Puwede rin ninyong tunghayan ang karagdagang impormasyon tungkol dito sa internet  Ang Kapatiran.Org.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended