EDITORYAL — Kailangang mag-hunger strike ang mga gutom

SINASABI na ang may pinaka-mahirap na tra-baho ay ang mga sakada o ang mga manggagawa sa tubuhan. Simula sa pagtatanim ng tubo at pag-aalaga nito ay walang katulad na hirap na ang dinaranas. At ang pinaka-matindi ay ang pana hong tatabasin na ang mga tubo para dalahin sa gilingan at maging asukal. Grabeng hirap ang tinitiis ng mga sakada habang tinatabas ang tubo sa gitna ng nakapapasong araw at ang kasunod ay ang pagpasan ng mga tinabas na tubo para ikarga sa mga truck na magdadala sa planta.

At sa kabila ng hirap ng mga sakada, sila pa ang labis na kinakawawa ng mga may-ari ng lupain o asyenda. At kahit na nga ang lupain ay naipamahagi na sa ilalim ng land reform program, patuloy pa ring kawawa ang kalagayan ng mga sakada. Hindi na nagiging makatao ang turing sa mga kawawang magsasaka sa tubuhan.

Isang halimbawa ay ang kasalukuyang nangyayari sa taniman ng tubo sa Negros Oriental kung saan ang mga magsasaka roon ay naghunger strike para lamang maibigay sa kanila ang lupaing nakatadhana sa kanila ayon sa batas ng reporma sa lupa. Hinihiling nang may 144 land reform beneficiaries na ipagkaloob sa kanila ang pag-aari sa lupa na sa loob ng Hacienda Velez Malaga.

Matagal nang umaasam ang mga sakada na mapapasakanila na ang ipinangakong lupain subalit tila walang nangyayari sa kanilang panawagan sa Department of Agrarian Reform. Para bang ang kanilang hinaing ay dumaan sa kabilang taynga at lumabas sa kabila.

At hindi na nakatiis ang may 102 sa 144 na benepisyaryo at dinala nila hanggang sa tangga- pan ng DAR sa Quezon City ang kanilang panawagan. At nang tila wala pa ring marinig ang DAR, naghunger strike na sila.

Umabot ng dalawang linggo ang hunger strike at saka lamang natinag ang DAR. Sabi ni Agrarian Reform Sec. Nasser Pangandaman na ipagkaka loob na sa mga magsasaka ang kanilang lupa. Ngayong linggong ito ay magkakaroon na iyon ng katuparan.

Kailangan munang magpakagutom ang mga dati nang gutom para mapuwersa ang mga pinuno ng pamahalaan. Kailangan pa sigurong may mamatay muna bago kumilos. Kawawa ang mahihirap sa bansang ito.

Show comments