Nalagay sa alanganin ang pangalan ng PACER dahil nung nagsagawa ng entrapment operation ang grupo ng District Intelligence Operatives Unit (DIOU), at Anti- Carnapping Section ng QCPD, napasama sa naaresto at naposasan ang isa sa kanilang kasamahan na si SPO2 DOMINADOR MARTERES INALDO.
Nung mga sandaling yun, walang kamuwang- muwang ang mga taga DIOU at ANCAR, maging ang BITAG na mayroong "on-going operation" ang PACER, sa kaso ng pagdukot sa Koreanang si KIM IN SOOK at sa asawa nitong si Francis Herrero.
Isinagawa ng mga operatiba ng DIOU at ANCAR, ang entrapment laban kay GINO GO, na umano’y ampon ng mag-asawang nadukot. Si Gino Go ang kinakausap ng mga kapatid ni Francis Herrero hinggil sa bahagi ng ransom para sa mga KFR Syndicate.
Matapos maibigay ang marked money kay Gino Go, sinundan ng mga operatiba ng QCPD at BITAG si Go sa hinalang may kasama ito.
Tumpak, may kasama nga si Go. Lingid sa kaalaman ng mga operatiba ng DIOU at ANCAR, taga PACER ang mga kasama ni Go, dahil nong mga panahon na yun iniipon pa nila ang lahat ng pera bilang dagdag sa "ransom money" na umano’y hinihingi ng mga kidnappers sa pamilya ng biktima.
Ayon kay P/ Sr. Supt. Edgar Iglesia, Deputy Chief ng PACER, "miscommunication" lang ang nangyari. Nasa kainitan pa ng kanilang pakikipag negosasyon, na kung saan si GINO ang kinakausap ng mga kidnappers.
"Hindi daw maganda ang naging dating ng ipinalabas sa BITAG, na parang nalagay sa alanganin ang PACER" ani ni Iglesia.
Dagdag pa ni P/Sr. Supt. Iglesia na si SPO2 Inaldo ang nakatalaga bilang close- in security ni GINO. "In fairness", ayon kay Iglesia, "walang kinalaman si Inaldo sa kidnapping!"
Nakahanda rin daw ang PACER na iharap si SPO2 Inaldo sa BITAG upang magbigay ng kanyang panig sa mga susunod na araw.
Ang kabuuang detalye nito sa paliwanag ng PACER, mapapanood sa BITAG ngayong Sabado. Abangan!