^

PSN Opinyon

‘Siningil ng atraso?’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
Walang utang na hindi pinagbabayaran. May mga kasong inilalapit sa aking tanggapan subalit hindi naman lahat ng sinasabi sa akin ng mga complainants ay nilulunok ko, ng ika nga "hook-line and sinker" gaya ng isang isda sa dagat o sa ilog. Matagal na ako sa crime beat.

Napakahirap isipin na ang isang tao, tatambangan, tatadtarin ng bala ng mga gunmen at pagkatapos ay itatapon sa isang tuyong dampa na walang atraso.

Kadalasan kasi nasa "stage of denial" ang pamilya at parati kong naririnig ang mga katagang "wala namang kaaway ang aking asawa." Bakit tinadtad ng bala?

Nagsadya sa aming tanggapan si Eleonor Faune ng Ambulong, Tanauan, Batangas upang humingi ng tulong hinggil sa kasong pagpaslang sa asawa nito.

Security guard ng Hunter Security Agency ang biktimang si Eric Faune. Sa isang pabrika sa Calamba, Laguna huli itong na-assign. Disyembre 2006 hanggang Enero 2007 ay floating ito sa kanyang trabaho at nagre-report ito sa kanilang opisina sa pagbabakasakaling mabibigyan na ito ng assignment.

Tubong Sorsogon ang mga Faune. Si Faune ay deretsuhan kong masasabi na hindi isang Santo. "He has had his brushes with the law." May batayan ang aking sinasabi dahil minsan nakasuhan ito ng kasong ATTEMPTED RAPE nuong taong 2004. Ang nagreklamo ay isang Violy de Leon para sa anak nitong si Rhea.

Ayon kay Eleonor Faune wala raw katotohanan ito. (Kaya?)

"Nagulat na lang kami sa mga paratang nila laban sa asawa ko. Hindi naman mahilig umistambay si Eric at kapag may trabaho ito ay diretso bahay lang siya," sabi ni Eleonor.

Bagamat wala DAW katotohanan ang bintang sa kanya inaayos nila ang kaso at inamin nilang nagbayad sila ng danyos sa pamilya ng sinasabing complainant.

Para sa akin kung walang kasalanan dapat ipaglaban mo ito para malinis ang pangalan mo. Tama ba ako mga kaibigan?

Nung Disyembre 2006 muli na namang nasangkot itong si Eric sa kaguluhan sa kanilang lugar. Nagkaroon ng nakawan sa bahay nina Noki Villanueva at ayon sa Mrs ni Eric, dahil ang mga Faune lamang ang naiba sa mga magkakapitbahay, si Eric ang pinagbintangan na nagnakaw.

Dagdag ni Mrs. Faune na diumano sina Frederick Uniprome at Bernie Villanueva ang responsable sa nasabing pagnanakaw.

Bago maganap ang insidente may pagbabanta na noon kay Eric subalit hindi naman nito pinagtuunan ng pansin sa pag-aakalang tinatakot lamang siya ng mga Villanueva.

Sa puntong ito, bagamat may mga ganitong background itong si Eric ang hindi ko kailanman matatanggap ay ang patayin ang isang tao ng walang kalaban-laban. Ganito ang nangyari kay Eric Faune.

Ika-16 ng Enero 2007 ng alas-3 ng hapon nang inihatid ni Eric ang asawa sa sakayan papuntang palengke. Napagkasunduan naman ng mag-asawa na susunduin ito upang hindi mahirapan sa pagdala subalit hindi nakarating ang asawa sa kanilang tipanan. Wala namang inisip si Eleonor na negatibo kung bakit hindi nakarating si Eric kaya minabuti na lamang nitong umuwing mag-isa sa kanilang bahay.

Subalit pagdating ni Eleonor wala naman ang asawa sa bahay nila. Ayon sa hipag ni Eleonor, si Cita Faune, nang makita niya si Eric at nagpaalam pa na susunduin ang asawa mula sa palengke. Bandang alas-5:30 ng hapon ng makarinig ng sunud-sunod na putok ang mga ito subalit hindi naman nila inisip na putok ng baril ang mga ito.

Bandang alas-7 ng gabi hindi pa umuuwi ng bahay si Eric kaya naman nagpasya ang mga kapatid ng biktima na hanapin na nila ito nang sabihin nilang nakarinig sila ng putok ng baril. Nagkataon din na nakasalubong ni Luis Faune, kapatid ni Eric sina Rio Villanueva at Tano Villanueva na may dala-dalang baril. Binati pa ito ni Luis at tinanong kung saan pupunta. Sinagot naman siya ng mga ito na mamamaril lang ng ibon. Kasama rin ng mga ito sina Aurelio Villanueva Jr. at ang kanilang tiyuhin na si Ernesto Villanueva.

Kinutuban sila na baka may masamang nangyari na kay Eric kaya naman agad nilang hinanap si Eric sa mga lugar na posibleng puntahan at madaanan nito subalit bigo silang makita ito. Nang pabalik na sila, nag-iba sila ng dinaanan at doon ay kanilang natagpuan malapit sa may tuyong sapa ng Brgy. Ambulong na tadtad ng bala ang katawan ni Eric.

Matapos makita ang duguang katawan ng biktima ay agad na silang tumawag ng pulis upang ireport at maimbestigahan ang nangyari kay Eric.

"Pagkatapos ng pangyayaring ito ay hindi pa rin natigil ang pagbabanta sa amin. Sinasabi nilang walang mangyayari sa reklamo namin. Nanawagan na rin ako sa mga nakasaksi sa pangyayaring ito na makipagtulungan sa amin upang malutas ang kaso at managot ang may sala," pahayag ni Eleonor.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari, nakita nilang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima bandang alas-5:30 ng hapon subalit tumanggi itong magbigay ng pahayag. Hanggang ngayon ay hindi maisampa ng pamilya ng biktima ang kaso laban sa mga suspek na pumatay kay Eric. Nangangamba ang mga nakasaksi na magsalita dahil baka naman sila ang balikan ng mga ito.

May programa ang Department of Justice sa pamumuno ni Sec. Raul Gonzalez na "WITNESS PROTECTION PROGRAM." Dito matapos ma-evaluate ang iyong testimonya ng magaling na Asst. Program Director Nerissa Carpio, maari kang isailalim dito bigyan ng security,tirahan at allowance pa. Mabigyan lamang ng Hustisya ang biktima.

Hangad ni Eleonor na mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang asawa at umaasa rin siyang pagbabayaran ng mga salarin ang nagawa nilang krimen.

Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig.
* * *
E-mail address: [email protected]

ASAWA

ELEONOR

ERIC

FAUNE

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with